Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sulyapan Ang Makulay Na Buhay Ni Sitti Navarro Kapiling Ang Kanyang Masayang Pamilya

Marahil marami sa atin ang madalas na naiimbitahan sa isang kasalan bilang bisita o di kaya naman ay parte ng entourage. At isa nga sa mga madalas nating marinig na mga inaawit sa kasal na ating nadadaluhan ay ang isang napakagandang awitin na “Para Sa Akin” ni Sitti Navarro.




Si Sitti Navarro ay isa sa mga kilala at mahuhusay na singer sa ating bansa [Pilipinas]. Ang awitin nga na “Para Sa Akin” ay isa sa mga pinasikat niyang kanta. Sa kasalukuyan ay isa pa ring singer at performer si Sitti, ngunit maliban sa karera niyang ito, ay abala na din siya sa kanyang buhay may pamilya, kaya naman talagang masayang-masaya siya.

Photo Credit: bossagurl/Instagram

Ikinasal si Sitti kay Joey Ramirez, at masayang-masaya ang kanilang buhay mag-asawa, lalo na nga ng sila ay mabiyayaan ng dalawang supling. Ang dalawa ngang anak ng mag-asawa ay sina Osseah Lucille at Isiah Daňelle.

Photo Credit: bossagurl/Instagram

Samantala, sa social media account ni Sitti ay makikita ang pagbabahagi niya ng mga larawan ng kanyang masayang pamilya. Isa sa makikita rito ay ang larawan nila ng kanyang 5-month old baby na si Lucy.

Photo Credit: bossagurl/Instagram

“My little Lucybubs at 5 months and 3 days [yellow heart emoji] Thank you so much @terence_reborn for taking her pictures #OsseahLucille”, saad ni Sitti sa IG post niyang ito.
Kitang-kita nga sa naturang larawan na ito na ibinahagi ni Sitti kung gaano nakakagigil sa kakyutan at pagiging bubbly ang anak niyang si Osseah Lucille o kung tawagin niya ay Lucy.

Photo Credit: bossagurl/Instagram

Makikita naman sa isa pang larawan ang dalawang anak ni Sitti na sina Lucille at Isiah na enjoy na enjoy sa beach outing nila. “Lucked out on this picture: all three of us looking at the camera and the two little ones hiding my mombod [emoji] good job, Yaya Lovely! Seriously though, Thank you Lord for this time. Thank you for Your beautiful creations. Joey and I are sun, sand and sea people. Its look like our kids are the same”, lahat ni Sitti.

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang masayang mga larawan na ito ng pamilya ng singer. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
“Hi Sitti goodmorning your lookalike, the eyes the face and as a whole.”

“Ka guapa! Combination of Lola Malou and Mommy Sitti.” “Hi Lucybubs.. Same kayo ng Biday namin – very few hair strands, thin eyebrows, and with mole o a hand”
“So cute and adorable Lucy!”




“Very adorable baby” Napakaganda naman talagang pagmasdan ng isang masayang pamilya, at tunay na napaka-blessed ni Sitti dahil isa siya sa mga nakabuo ng isang magandang pamilya.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento