Bata pa lamang si Shaina Magdayao ng magsimula ang kanyang karera sa mundo ng showbiz. Sa murang edad ay naipamalas na kaagad ni Shaina sa maraming mga manonood ang kanyang husay sa pag-arte.
Sa katunayan marami ngang mga direktor noon ang talaga namang tuwang-tuwa sa kanya, dahil hindi siya nahihiya sa harap ng kamera. Dahil nga sa pagiging bibo, charming at husay sa pag-arte ni Shaina, ay naging isa siya sa mga hanay ng kilalang childstar noong dekada 90.
Hanggang sa kasalukuyan nga ay aktibo pa rin si Shaina sa mundo ng showbiz, at kung noon ay kinagigiliwan siya dahil sa kanyang pagiging charming na childstar, ngayon naman ay marami ang hinahangaan siya dahil sa pagiging isa niyang mahusay at napakagandang aktres.
Napakarami ng mga proyekto ang nagawa ni Shaina, at ilang mga kilala at bigating mga aktor na rin ang kanyang nakasama, kung kaya naman mas lalo pa ngang nahasa ang kanyang talento sa pag-arte. At dahil sa talaga namang bawat proyekto na ibinibigay sa kanya ay talagang ipinapamalas niya ang ‘best’ niya, ay hindi na nga nakapagtataka na nakatanggap na rin nga ng maraming parangal si Shaina sa ilang taon niya sa industriya.
Ilan nga sa mga parangal na kanyang natanggap ay ang Best New Female TV Personality noong taong 1996 at noong taong 2000 naman ay nakuha niya ang Best Supporting Actress.
Hindi lamang naman ang pagiging mahusay na aktres ni Shaina ang hinahangaan sa kanya ng marami, maging ang galing niya sa paghawak ng pera at pagtulong niya sa charity ang kinabibiliban din ng marami sa kanya. At dahil nga sa pagiging matalino ni Shaina ng pagamit sa perang kanyang pinaghirapan ay marami na rin siyang naipundar na ari-arian.
Marami nga sa atin ang hindi nakakaalam na maliban sa pagiging isa niyang artista, ay marami na rin siyang mga negosyong naipundar at hanggang ngayon ang mga ito ay patuloy na kumikita.
Dahil nga sa mga ito, ayon sa ulat ay umaabot na ng dalawang milyong dolyar ang net worth ni Shaina, kung sa pera nga ng Pilipinas ay aabot ito sa 100-milyong piso. Ito ay ayon nga sa inilabas na ulat ng isang website na patungkol sa mga kilalang personalidad sa Pilipinas.
Sa kabila nga ng tinatamasang karangyaan sa buhay ngayon ni Shaina, ay hindi naman niya nalilimutan na tumulong sa kanyang kapwa. Ilan nga sa mga sinusuporta ng aktres ay mga bahay ampunan, at ilang mga ahensya din ng gobyerno na nagpapaabot sa mga pangangailan ng mga bata.
Talaga namang yayamanin si Shaina Magdayao!
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento