Aktres na si Maris Racal, nararamdaman na ‘safe at secured’ sa relasyon niya sa boyfriend niyang si Rico Blanco. Pagdating sa usapang pag-ibig, isa ang Kapamilya actress na si Maris Racal sa may lovelife ngayon na maliban sa makulay at masaya, ay talaga namang ito ay sinusubaybayan ng publiko, lalo na ng kanyang mga tagasuporta.
Ang nobyo ngayon ng aktres ay ang bokalista ng bandang Rivermaya, na si Rico Blanco, at masaya nga at kampante si Maris sa relasyon nila ng kanyang nobyo.
Nito lamang nakaraan ay nakapagbigay ng ilang detalye si Maris tungkol sa kanyang buhay pag-ibig ngayon, ito nga ay ng magkaroon ng virtual media conference para sa kannyang upcoming project na may titulong “The Goodbye Girl”, kung saan ito nga ay pagbibidahan ng kanyang kapwa aktres na si Barbie Imperial.
Ibinahagi nga ng Kapamilya actress sa nasabing virtual media conference kung ano ang kanyang pakiramdam sa tuwing kasama niya ang nobyo niyang si Rico. Paglalahad ni Maris, kapag kasama nga niya ang nobyo ay ramdam niya na ‘safe’ siya. Saad pa niya, kapag mayroon ngang gumugulo sa kanyang isipan ay kaagad siyang napapakalma ng bokalista.
“Sa akin talaga, pahinga, security. I feel safe when he’s around. Safe ‘yung feeling ko kapag nandiyan si Rico”, ang naging paglalarawan nga ni Maris sa boyfriend niyang si Rico Blanco.
Samantala, sa kabila ng 25-taon na agwat sa pagitan ng edad ng magkasintahan, kung saan si Maris nga 23-taong gulang at ang nobyo niya namang si Rico ay nasa edad 48 na, ay tila naman ‘compatible’ ang dalawa para sa isa’t isa. Ito nga ay dahil ng minsan ding itanong kay Rico ang naging katanungan kay Maris, ay halos iisa nga lamang din ang kanilang naging kasagutan.
“Ang gusto ko kay Maris is she doesn’t even realize it but nakaka-happy ‘yung vibe niya,” saad nga ng OPM icon. Ayon pa kay Rico, may plano din siya para sa future nila ng nobya, kung saan ay hiling nga niyang mas lumalalim pa ang kanilang pagsasamahan at mas marami pa silang pagsaluhan na mga alaala.
Ipinanganak noong ika-22 ng Setyembre taong 1997 si Mariestella “Maris” Cañedo Racal. Siya ay isa sa mga mahuhusay na aktres at mang-aawit sa Philippine Entertainment Industry, samantala ang nobyo nga niyang si Rico Blanco, ay isa namang bokalista ng Rivermaya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento