Mga larawan at video ng Kapamilya actress na si Liza Soberano pinagpipyestahan online ng mga chikadorang Marites, dahil sa di umanoy buntis na ang aktres dahil lumilitaw umano nitong baby bump.
Talaga namang isa sa mga aktres ngayon sa showbiz na hindi pa rin tinatantanan ng mga marites, ay si Liza Soberano, ito nga ay dahil hanggang ngayon ay madami pa rin sa mga ito ang nagsasabi na buntis na nga umano ang nobya ni Enrique Gil. Mas lalo ngang umugong ang usapin na ito, ng makita ng mga marites ang mga bagong video at larawan ni Liza, at dito nga ay napansin umano nila ang baby bump ng Kapamilya actress.
Napansin nga umano ng mga Marties sa latest IG post ni Liza na tila nga malaki ang tiyan nito. Sabi pa ng ilan, tila nga ito’y baby bump na pilit itinatago ng aktres sa publiko kaya naman sa larawan ay tinakpan ni Liza ng hawak niyang regalo at bulaklak ang bandang bahagi ng kanyang tiyan.
Samantala, kung sakali man ngang tunay ang balitang ito na buntis ang Kapamilya actress, ay hind inga pambabatikos mula sa mga netizens ang kanyang matatanggap, bagkus ay ikatutuwa pa nga ito ng kanyang mga fans, dahil talaga namang noon pa man ay suportado na ng mga ito ang relasyon ni Liza at ng nobyo nitong si Enrique Gil.
Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ng mga netizens na buntis si Liza at ang ama nga ay ang boyfriend nitong si Enrique, dahil kamakailan lamang ay mayroon ding mga larawan ang magkasintahan na na-intriga dahil nga sa nakita ng mga netizens na medyo maluwag ang suot na damit ni Liza, kaya naman aakalain nga na may tinatagong baby bump ang aktres. Ang nasabing larawan ay kuha noong magbakasyon nga ang magkasintahan sa ibang bansa.
Napansin din nga ng mga netizens, na sa mga larawan ng aktres na lumalabas sa social media ay tila madalas na nakatakip ang tiyan nito, kaya naman talagang umuugong ang usapin na ito ay nagdadalang-tao.
Ayon naman kay Ogie Diaz, ang talent manager ni Liza ay walang katotohanan ang balitang ito, ay pinagdiinan nga na ang kanyang alaga ay hindi nkagdadalang-tao. Dagdag na saad pa ni Ogie, hindi pa ito ang tamang panahon sa magkasintahang Liza at Enrique para gumawa ng sariling pamilya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento