Isa sa mga popular na TikTok star ngayon sa Pilipinas si Whamos Cruz, maliban pa dito ay isa rin siyang mananayaw. Marami ang sumusubaybay sa kanya, kaya naman ang kanyang Instagram account ay mayroon ng mahigit 10-milyong Followers, at mayroon din nga siyang YouTube channel, kung saan naman niya inia-upload ang kanyang mga vlog.
Si Whamos ay isa rin sa mga personalidad na mayroong makulay na buhay pag-ibig, ito nga ay sa piling ng kasintahan niyang si Antonette Gail. Kaya naman noong Valentine’s Day ay talaga namang naging masaya ang araw na ito para sa kanya, lalo na nga ng makatanggap siya ng sorpresa mula sa kasintahan, at ito nga ay naging trending pa online.
Marami ang napa-sana all sa mga branded gifts ni Antonette para kay Whamos, kung saan isa nga sa mga ito ay isang mamahalin na relo.
Samantala, ilang araw nga lamang ang lumipas, ay hind inga nakalusot sa mga maagmatyag na mga netizens ang naging pakulo umano ng magkasintahan.
ito a matapos ngang mapansin ng mga netizens sa kumalat na larawan nina WWhamos at Antonette, na noong mamili pala ang dalaga ng kanyang regalo para kay Whamos ay magkasama pala ang mga ito.
Noon nga umanong pumunta sa shop si Antonette, kung saan niya binili ang regalo niya sa nobyo, ay kasama niya rin si Whamos at ito pa nga mismo ang kanyang naging driver.
Dahil sa mga larawan nga na ito, ay kaagad na nag-viral ang usapin, at ayon nga sa mga netizens, ay kunwari lamang ang naging surprise effect sa video na ibinahagi ng magkasintahan noong araw ng mga puso. Dagdag pa nga ng ilan, scripted ang lahat ng ginawa ng couple vlogger.
Nagbigay naman ng kanilang pahayag sina Whamos at Antonette tungkol sa kanilang viral vlog, kung saan isang video nga muli ang kanilang ginawa at doon nila inamin na scripted nga ang video na inilabas nila noong Valentines, kung saan ay sinorpresa nga niya kunwari ang nobyo.
Paliwanag ni Antonette Gail, ang plano naman talaga niya ay bigyan ng sorpresa ang nobyo niyang si Whamos, ngunit ng siya nga ay paalis na, ay natunugan siya nito, at wala na nga siyang nagawa ng magpumilit itong sumama sa kanya.
Dagdag pa nga ng magkasintahan, ang tunay na layunin ng kanilang video ay upang ipakita sa lahat, na hindi lamang lalaki ang maaring magbigay sorpresa sa babae kapag may mga okasyon sa magkasintahan o mag-partner, dahil ito nga ay pwede ring gawin ng babae sa lalaki. Ayon pa kana Whamos at Antonette, pinakita lamang din ng kanilang video ang ‘equality’sa pagitan ng dalawang magkarelasyon.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento