Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Awra Briguela Kabog Na Kabog Ang Taglay Na Kagandahan Sa Kanyang Ika-18 Taong Gulang Na Kaarawan

Isang masaya at magarbong pagdiriwang ang naganap sa ika-18 taong gulang na kaarawan ni Awra Briguela. Si Awra ay nagsimula sa mundo ng showbiz bilang isang young actor comedian na ngayon ay isa na ring vlogger.




Ang pagdiriwang nga ng ika-18th birthday ni Awra ay naging star-studded dahil maliban sa magarbo at bongga ang preparasyon sa nasabing okasyon ay talaga namang karamihan sa mga bisita niya ay mga sikat na personalidad sa showbiz na malalapit nga sa kanya.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Tunay ngang napakaganda ng lugar kung saan nagdiwang ng kanyang kaarawan si Awra, ito nga ay napuno ng iba’t ibang mga dekorasyon tulad na lamang ng mga bulaklak at makukulay na ilaw at mga lobo. Kapansin-pansin din ang mga paru-paro sa paligid ng lugar, kung saan ito umano ay special request ni Awra dahl isa ito sa kanyang mga paborito.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Ayon sa ulat, ang nagbigay buhay sa event place na ito kung saan ginanap ang kaarawan ni Awra ay ang Ginger Event Syling, at talaga nga namang naging instant Paraiso ang naturang lugar at bumagay sa tema ng okasyon para sa kaarawan ng comedian-vlogger.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Siyempre hindi mawawala sa sa espesyal na okasyon ang bonggang cake para kay Awra at ang masasarap na pagkain na innihanda para naman sa mga bisita.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Kaagad namang napansin ng marami ang kagandahan na taglay ni Awra sa kanyang kaarawan. Ayon nga sa ilan blooming ngayon si Awra at naging mala-diyosa pa ang datingan dahil sa suot niyang vibrant blue mini gown sa kanyang debut party.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Bagay na bagay din kay Awra at sa outfit niya ang simpleng ayos ng kanyang buhok na nilagyan nga mga kumikinang na brilyantes kaya naman nagmukha itong paru-paro. Simple lamang din ang naging make up niya at ang mga accessories na suot niya, ngunit umangat pa rin ang taglay niyang ganda.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Sa mga ibinahaging larawan ni Awra sa kanyang Instagram ay makikita nga kung gaano siya kasaya sa pagdiriwang niya ng ika- 18th birthday, at sa caption nga ng mga larawan ay inihayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng biyaya na natatanggap niya ngayon sa kanyang buhay.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram




“Grateful for small things, big things and everything in between”, saad ni Awra sa kanyang caption. Tunay ngang napaka-blessed ni Awra, dahil halos lahat nga ng kanyang pangarap para sa kanyang sarili at para sa kanyang pamilya ay natupad na niya, bago pa man nga sumapit ang ika-18 taong gulang niyang kaarawan.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento