Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Dating Singer-Actress Donita Rose Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Napakagwapong Bagong Boyfriend

Kilala si Donita Rose bilang isang mang-aawit at aktres sa mundo ng showbiz. Hindi rin maitatanggi na bukod sa mga talento niyang ito, ay isa rin siya sa mga singer-actress na mayroong magandang mukha sa industriya kaya naman hindi kataka-taka na marami ang umidolo at humanga sa kanya.




Maliban pa nga sa pagiging isang singer-actress ay naging VJ din si Donita, at dahil sa kanyang personalidad na masayahin ay mas lalo pa ngang siyang minahal ng kanyang mga tagasuporta.

Photo Credit: dashofdonita/Instagram

Ngunit tulad nga ng ilang personalidad sa showbiz, dumating din sa punto na kinailangan ni Donita na lisanin ang industriya ng showbusiness, ito ay dahil sa ilang mga pangyayaring dumaan sa kanyang buhay. Lumipad patungong Amerika ang aktres matapos niyang iwan ang showbiz career niya, at doon nga ay nagsimulang makabangon muli sa tulong ng kanyang ina na doon ay nagtatrabaho bilang isang guro.

Photo Credit: dashofdonita/Instagram

Pagdating ni Donita sa Amerika ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho, at harapin nga ang panibagong buhayniya roon ng malayo harap ng kamera. Maliban sa pagtatrabaho, ay naisipan rin ng dating aktres na hasain ang kanyang hilig sa pagluluto,

Photo Credit: dashofdonita/Instagram

kung naman nagdesisyon siyang mag-aral para maging isang chef. Kalaunan nga ay natapos ni Donita ang kanyang pag-aaral, at kaagad na nagkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho bilang isang chef sa malaking restaurant sa Amerika na isang Pinoy ang nagmamay-ari.

Photo Credit: dashofdonita/Instagram

Kung noon ay nakapokus lamang si Donita sa kanyang career sa Amerika at tila walang panahon sa love life, kamakailan nga lamang ay masaya niyang ibinahagi na ngayon ay mayroon na ngang taong nagpapasaya sa kanyang puso.

Photo Credit: dashofdonita/Instagram

Sa Instagram niya ay makikita ang pagbabahagi niya ng karawan kung saan ay mayroon siyang kasamang lalaki, at kapansin-pansin nga ang pagiging kumportable nila sa isa’t isa.
“I think it’s safe to say I’m seeing someone”, ani Donita sa kanyang caption.

Ayon nga sa ulat ang lalaking kasama ni Donita sa larawan ay ang kanyang bagong boyfriend, at ang pangalan nito ay si Felson Palad na isang song writer at musical director. Hindi na nga kataka-taka na magkamabutihan ang dalawa dahil sa pareho nilang pagkahilig sa musika.

Marami naman ang agad na nagkomento sa post na ito ni Donita, at karamihan nga sa mga ito ay nagpahayag ng kanilang kasiyahan dahil sa tila nga natagpuan na ng dating aktres ang makakatuwang niya sa buhay at magpapasaya sa kanyang puso.

Sa kabilang banda naman makikita rin na nagbahagi ang boyfriend ni Donita na si Felson sa social media account nito at ibinida rin nga ang larawan nila ng dating aktres.




“Life is short, we need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you”, ang makikita namang caption n Felson Palad sa Instagram post nito na nakalakip ang larawan na kasama niya si Donita.

Nagpaabot naman ng kasiyahan para kay Donita ang mga kaibigan niya sa showbiz, at ang mga tagahanga naman niya ay hindi napigilan na kiligin sa bagong pag-ibig na kanya ngang natagpuan sa piling ng nobyo niya ngayon.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento