Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kapuso Actress na Si Katrina Halili ‘Blooming’ Na ‘Blooming’ Kahit Ilang Taon Ng Walang Lovelife

Si Katrina Halili ay isa sa mga sikat na aktres sa showbiz na nagsimulang makilala ng publiko ng siya ay sumali sa isang talent search noon ng Kapuso network. Hindi man siya nagwagi sa sinalihan niyang reality show na ito, ay kakaibang suporta naman ang kanyang naramdaman mula sa mga fans niya.




Dahil sa napakaraming mga sumusuporta sa kanya at sa ipinakita niyang galing sa reality show na kanyang sinalihan, ay nagbukas ang maraming oportunidad kay Katrina sa mundo ng showbiz. Unang hinangaan sa kanya ng marami ay ang taglay niyang kagandahan,

Image Credit via Instagram

ngunit mas hinangaan pa siya ng maipamalas na niya ang angkin niyang husay sa pag-arte, lalo na sa mga kontrabida roles na kanyang ginagampanan kung saan ay talaga namang nadadala niya ang emosyon ng mga manonood.

Image Credit via Instagram

Sa pagsikat at pagiging popular ni Katrina si mundo ng showbiz, ay marami rin nga ang mga kalalakihan na nahumaling sa kanyang kagandahan at taglay na kaseksihan. Hindi rin siya nakaiwas sa mga kontrobesiya, dahilan nga para pansamantala siyang mawala sa industriya.

Image Credit via Instagram

Pansamantalang nawala ang Kapuso actress sa pag-arte sa telebisyon, ito ay ng panahon na kanyang ipinagbuntis ang anak niyang si Katie. Si Katie ay anak ni Katrina sa dati niyang karelasyon na si Kris Lawrence, isang mahusay na mang-aawit.

Image Credit via Instagram

Simula nga ng mahiwalay sa dating karelasyon ay hindi na pumasok pa sa anumang relasyon ang Kapuso actress, at mas binigyang panahon na lamang niya ang pag-aaruga sa kanyang anak na si Katie. Muli din niyang inayos ang kanyang sarili para sa pagbabalik niya sa pag-arte.

Image Credit via Instagram

Kahit naman hindi naging maganda noon ang hiwalayan ni Katrina sa dating kasintahan, sa huli ay naging maayos naman sila nito, kaya naman ang anak niyang si Katie ay malaya rin na nakikita at nakakasama ang Daddy nitong si Kris Lawrence.

Image Credit via Instagram

Samantala, maraming mga netizens naman ngayon ang nakakapansin ng pagiging blooming na blooming ni Katrina, ito ay sa kabila nga ng halos mahaba na panahon na rin niyang pananatiling single. Tila nga walang anumang problema ngayon sa buhay ng Kapuso actress sapagkat kitang-kita sa kanyang aura ang pagiging ‘happy’ niya na nagpapaganda pa lalo sa kanya.




Hindi naman maiwasan ng marami na mapaisip kung ngayon nga ay may nagpapatibok na ba sa puso ng aktres dahil sa mas lalo nga itong gumaganda, ngunit sinigurado nga ng 35-taong gulang ng si Katrina na hanggang ngayon ay wala siyang karelasyon, at wala pa sa plano niya ito dahil mas prayoridad niya ngayon ang kanyang trabaho ganun din ang kanyang anak na si Katie.

Pinatunayan naman ni Katrina na ang pagiging masaya at pananatiling blooming ng isang babae ay hindi kailangan idepende sa pagkakaroon ng karelasyon, dahil sapat na ang ‘self love’ para sumaya at mas lalong gumanda.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento