Isa sa mga award-winning actress at batikang aktres sa mundo ng showbiz si Jaclyn Jose o sa tunay na buhay ay si Mary Jane Santa Ana Guck. Dekada 80 ng magsimula ang kanyang karera sa mundo ng showbiz, at magpa hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang aktibo sa pag-arte at napapanood pa nga natin sa ilang mga serye sa telebisyon.
Hindi rin naman talaga matatawaran ang husay at galing ni Jaclyn bilang isang aktres, kaya naman noong taong 2016 ay nakuha niya ang parangal na Best Actress award sa Cannes Fil Festival, at ito nga ay dahil sa naging mahusay niyang pag ganap sa pelikulang Ma’ Rosa. Ayon pa sa ulat, si Jaclyn ang kauna-unahang Pinoy celebrity na nakakuha ng naturang parangal.
Maliban sa pagiging isang batikan at award-winning actress, ay kilala din si Jaclyn Jose bilang in ani Andi Eigenmann, isa ring dating aktres sa showbiz ngunit ngayon ay masayang namumuhay ng simple sa isla ng Siargao kasama ang kanyang binuong pamilya.
Samantala, kung bibisitahin ang social media account ni Jaclyn ay mapapansin na madalas magbahagi ang batikang aktres ng kanyang mga larawan noong siya ay dalaga pa. Kagaya na lamang ng isang larawan na kanyang ibinahagi kung saan ay kasama niya sina Direk Wenn Deramas, Princess Punzalan at Claudine Barreto, na ayon sa inilahad niyang caption ay miss na miss na niya ang mga ito.
“Mš¯”¦ssing you all in this time of crš¯”¦sš¯”¦s. I lš¯”¬ve you Wenn kasi magaling ka mag salita you are one person na nandito dapat sa panahong ito mš¯”˛hal kita mare at Clau.and cess.”
“Ang panahon , dumadaan, ang kabš¯”˛taan pero ang legš¯”˛cy will stay ror ever..nag papasalmat lang po..ng marami sa pinagdaanan”, ani Jaclyn sa kanyang socmed post.
Maraming mga netizens naman ang hinangaan ang angking kagandahan ni Jaclyn noong siya ay dalaga pa, at ang iba pa nga ay nagbigay komento na hindi pa rin kumukupas ang mala-dyosang ganda ng batikang aktres hanggang ngayon. May iba din na nagsabing kamukha niya ang isa sa mga anak ni anak niyang si Andi, at ito nga ay ang apo niyang si Ellie.
Mababasa naman sa mga komento ng kanyang post ang naging kasagutan ni Princess Punzalan, na nagsabi rin nga na nami-miss na din niya si Jaclyn at ang panahon na nagkakasama pa sila sa isang proyekto.
“I mš¯”¦ss you, too, Jaclyn… Nakaka-miss din yung panahon na magkakasama pa tayo nun… I hope you are okay”, sabi ni @realprincesspunzalan. Unang lumabas sa telebisyon si Jaclyn noong taong 1995, ng gampanan niya ang karakter bilang si Ester sa serye na Familia Zaragosa.
At isa nga sa mga hindi malilimutang role na ginampanan niya ay ang pagiging si ‘Magda’ sa serye noon na “Mula sa Puso” noong taong 1997, kung saan pinagbidahan ito nina Claudine Barretto, Rico Yan at Diether Ocampo. Sa nasabing serye din ay nakatrabaho niya si Princess Punzalan, na gumanap naman bilang kontrabida.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento