Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Matinee Idol Noong 80’s Na Si Jestoni Alarcon Pantasya Pa Rin Hanggang Ngayon Ng Karamihan

Kung ang pag-uusapan ay kakisigan at kagwapuhan, ay hindi magpapahuli riyan ang binasagangg Matinee Idol noong dekada 80 na si Anthony Jesus Alarcon o mas nakilala ng publiko bilang ang mahusay na action star na si Jestoni Alarcon. Ang kanyang physical appearance na mestizo at mukhang Amerikano ay talaga namang umani ng paghanga mula sa maraming mga kababaihan.




Marami ang hindi nakababatid na edad 16 lamang ng magsimulang sumabak sa pag-aartista si Jestoni. At noon ngang siya ay ganap ng binata ay iba’t ibang mga pelikula ang kanyang pinagbidahan, kung saan ay mas lalo siyang kinagiliwan ng publiko dahil sa kanyang pagiging isang hunk actor.

Photo Credit: realjestonialarcon/Instagram

Dahil sa husay, galing, karisma at kakisigang taglay ni Jestoni Alarcon ay talaga namang marami ang sumuporta sa kanyang karera, dahilan para tuluyang mamayagpag ng husto ang kanyang pangalan sa industriya ng showbiz. Sa katunayan kahit ilang dekada na ang lumipas mula ng magsimula siya sa pag-aartista, hanggang sa ngayon nga ay aktibo pa ring aktor si Jestoni at patuloy pa rin siyang sinusuportahan ng kanyang mga avid fans.

Photo Credit: realjestonialarcon/Instagram

Sa kasalukuyan ay 57-taong gulang na si Jestoni, ngunit sa kabila ng kanyang edad ay kapansin-pansin na hindi pa rin kumukupas ang taglay niyang kagwapuhan. Hindi rin nagbabago ang taglay na kakisigan ng kanyang pangangatawan, kaya naman hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga loyal supporters niya ang tunay na pinapantasya at hinahangaan siya.

Photo Credit: realjestonialarcon/Instagram

Kamakailan nga nang makapanayam si Jestoni ay ibinahagi ng batikang aktor kung ano ang kanyang sikreto sa pagpapanatili ng kanyang tila hindi kumukupas na kagwapuhan at kakisigan.

Photo Credit: realjestonialarcon/Instagram

“I do exercise. I eat the right food na tama sa katawan, yung healthy food at the same time, yung social din with friends, bonding time with family. So, kailangan kumpleto eh. Kailangan balance ang takbo ng buhay”, ang naging pagbabahagi ni Jestoni.

Photo Credit: realjestonialarcon/Instagram

Samantala, maliban sa pag-aartista ay pinasok din ni Jestoni ang mundo ng politika sa pagnanais niyang magbigay lingkod sa ating sambayanan. Siya’y hindi naman nabigo, sapagkat nagwagi siya bilang Councilor ng Antipolo noon at naging Vice Governor din siya ng Riza Province.




Bawat desisyon nga ni Jestoni sa kanyang buhay ay lagi niyang katuwang ang misis niyang si Lizzette Alarcon na palagi lamang nakasuporta sa kanyang mga desisyon. Marami din ang humahanga sa tamis ng pagmamahalan at tatag ng samahan nilang mag-asawa. Sila ay nabiyayaan din ng tatlong anak, at ang isa nga sa mga ito ay sumunod sa yapak ni Jestoni at kasalukuyan ngang talent na din ng Kapuso network.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento