Kamakailan lamang ay isang pasabog na balita mula kana Vice Ganda at Ion Perez ang talaga namang ikinagulat ng maraming mga netizens, at maging ng kanilang mga kaibigan at kakilala. Ito nga ay matapos na isinapubliko ng dalawa na sila ay ikinasal na, at naganap ito noong buwan ng Oktubre ng sila ay magtungo sa Las Vegas.
Ang balita ngang ito ay agad na inulan ng samu’t saring komento, lalo na mula sa mga kaibigan nina Vice at Ion na labis ngang ikinagulat ang naturang balita, dahil talaga namang wala talaga silang kalam-alam na may ganitong kaganapan.
Ibinahagi nina Vice at Ion sa publiko ang kanilang pagpapakasal sa Las Vegas sa pamamagitan ng isang vlog, kung saan ito nga ay mapapanood sa YouTube channel ng Unkabogable star ay may titulo nga ito na ‘What Really Happen in Las Vegas.’
Ilang araw lamang matapos ang naging pasabog na ito nina Vice at Ion, ay binigyan naman sila ng special moment sa programa na kinabibilangan nila, ito nga ay ang ‘It’s Showtime’, kung saan dito na nga nila ikinuwento ang ilan sa mga detalye bago pa ang kanilang pagpapakasal.
Ayon kay Vice, buwan ng Pebrero taong 2020 pa ng mag-propose si Ion sa kanya. May mga nakasaksi din nga umano sa pangyayaring iyon, ngunit pinakisapan nga umano niya ang mga ito na huwag i-post o ipagsabi kahit kanino ang naganap na proposal sa kanya ni Ion.
Naikuwento rin ni Vice, na noon ngang hiniling niya na huwag isapubliko ang naging proposal sa kanya, ay naiyak nga umano si Ion, ito ay dahil pumasok sa isipan nito na baka ikinahihiya niya ang tungkol sa kanilang dalawa.
Kaagad naman umanong ipinaliwanag ni Vice kay Ion kung bakit ayaw niyang malaman ng ibang tao ang isa sa pinakamasaya at mahalagang pangyayari sa kanilang relasyon, at ito nga ay dahil sa baka nga babuyin lamang ito ng ibang tao, pagtawanan o laiitin lamang sila.
Hindi naman natin masisi si Vice kung bakit mas pinili nga niyang ilihim na lamang sa publiko ang naging proposal sa kanya ni Ion, dahil tunay namang pagdating sa mga ganitong bagay ay iba’t iba ang paniniwala nating lahat.
Samantala, marami naman sa mga tagasuporta nina Ion at Vice ang nagpaabot ng kasiyahan para sa kanila lalo pa ng kanila ngang isapubliko na sila ay kasal na. Nagpaabot din ng kasiyahan ang mga katrabaho at kaibigan nila para sa kanilang naging pagpapakasal.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento