Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sulyapan Ang Masayang Bakasyon Sa Isang Beach Resort Sa Palawan Ng Celebrity Couple Na Sina Cherry Pie Picache At Edu Manzano

Isa sa mga celebrity couple ngayon sa mundo ng showbiz na nagbibigay kilig sa maraming netizens ay sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano. Matatandaan na buwan ng Nobyembre noong nakaraang taong 2021 ng kumpirmahin ng dalawa ang romantikong ugnayan nila sa isa’t isa.




Sina Cherry Pie at Edu ay nagkasama sa proyektong “Marry You, Marry Me” ng Kapamilya network at dito nga sila muling nagkalapit hanggang sa mahulog na nga ang damdamin sa isa’t isa. Nang isapubliko rin ng dalawa ang kanilng relasyon, ay inamin din nila na noon ay nag-date na rin sila, mga dalawang dekada na ang nakaraan.

Photo Credit: realedumanzano/Instagram

“Tahimik lang kami no’n. It was almost a year”, pagbubunyag ni Edu tungkol nga sa naging pag-date nila noon ni Cherry Pie.Pahayag naman ni Cherry Pie, “We we’re dating almost a year. Like mga two decades ado”.“Hindi niya ko makalimutan”, dagdag na biro pa ng aktres.

Photo Credit: realedumanzano/Instagram

Kahit nga nagkahiwalay ng landas sina Cherry Pie at Edu noon ay inamin naman nilang dalawa na hindi talaga sila nawalay sa isa’t isa, dahil madalas din silang magkita sa mga events, kung saan ay madalas din nga silang magka-kuwentuhan. Pag-amin pa ng dalawa kahit matagal na ang lumipas mula ng mag-date sila noon ay hindi naman nawala ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Photo Credit: realedumanzano/Instagram

Kaya naman ng muli ngang magkasama sa isang proyekto sa Kapamilya network ang dalawa sa seryeng “Marry Me, Marry You” ay nabigyan nga sila muli ng pagkakataon na ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan noon.

Makikita naman ngayon kana Cherry Pie at Edu na talagang masaya sila sa piling ng isa’t isa, sa katunayan pa nito ay madalas nga silang makita na magkasama. Kahit nga parehong may mga pinagkakaabalahang trabaho ang dalawa ay sinisigurado naman nila na mayroon pa rin silang nailalaan na oras sa isa’t isa at gumawa ng mga masasayang bonding moments.

Isa nga sa mga pinaka-latest na bonding ng celebrity couple ay ang naging pagbabakasyon nila sa isang napakaganda at nakaka-relaks na beach sa Palawan. Sa Instagram ni Edu ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan ng masayang bakasyon nila ni Cherry Pie, kung saan kasama din nga ang anak ng aktres na si Nio Tria.




Hindi naman maitatago sa mga ngiti ng tatlo ang kasiyahan nila habang enjoy na enjoy nga sa mala-paraisong lugar na napapaligiran ng magandang tanawin, idagdag pa ang napakagandang sikat ng araw. “Heaven on earth!”, caption ni Edu sa kanyang post na sinamahan pa ng hashtag na #Palawan at #PlaceToBe.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento