Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Jericho Rosales At Kanyang Misis Na Si Kim Jones Nasa Bansang New York At Masayang Namumuhay Ngayon

Masayang ibinahahagi ng aktor na si Jericho Rosales sa kanyang Instagram post kamakailan lamang na siya at ang misis niyang si Kim Jones ay kasalukuyan na ngang nasa New York. Makikita rin ang naging pagpapasilip ni Echo ng bagong tahanan nilang mag-asawa sa nasabing bansa.




“Sa bagong HaybOl sa Big ApOl! Kim on google maps: saan ang palengke….? Me sa bintana: anong oras dadaan ang taho?”, ani Jericho kalakip ang larawan kung saan makikita sila ng kanyang misis na nasa loob nga ng bago nilang tahanan sa nabanggit na lugar.

Photo Credit: jerichorosalesofficial/Instagram

Dahil sa kalilipat nga lamang ng mag-asawa, ay kapansin-pansin nga na open-space pa ang kanilang tahanan, at wala pa nga silang masyadong mga kagamitan doon.
Bumuhos naman kaagad ang maraming pagbati para sa mag-asawang Echo at Kim, at ilan nga sa mga nagpaabot sa kanilang ng ‘congratulatory message’ para sa bagong tahanan nila sa ibang bansa. Narito nga ang ilan sa mga komento.

Photo Credit: jerichorosalesofficial/Instagram

“Happy for you guys” “Finally!! Congratulations!!!” “Welcome to New York!!! Wish we could see you. Is there a meet or greet somewhere?” “Happy to see you in your new place bro” “Enjoy New York” “Living the American dream!!!!”

Photo Credit: jerichorosalesofficial/Instagram

Isang kilalang aktor si Pilipinas si Jericho ‘Echo’ Vibar Rosales. Siya ay isang film television actor, at kilala nga siya sa stage name niya na ‘Echo’.
Ang kanyang karera sa mundo ng showbiz ay nagsimula noong umali siya sa talent search noon ng Eat Bulaga na “Me. Pogi. Ngunit mas umarangkada ang kanyang karera ng siya ay mapunta sa ABS-CBN network kung saan ay mas maraming oportunidad ang nagbukas sa kanya.

Photo Credit: jerichorosalesofficial/Instagram

Namayagpag ng 20-taon ang karera ni Echo sa mundo ng showbiz, at dahil sa kanyang husay na pag-ganap sa iba’t ibang karakter na kanyang ginampanan lalo na sa pagiging isang leading man ng mga serye at pelikula ay nakuha nga niya ang titulong “Asia’s Prince of Dramas.”

Photo Credit: jerichorosalesofficial/Instagram




Si Jericho ay isa lamang sa mga nangarap noon na manirahan sa bansang Amerika, at dahil sa kanyang pagsusumikap sa buhay ay unti-unti nga niyang natupad ang kanyang mga pangarap, at isa na nga rito ay ang pagtira sa lugar na noon pa man ay kanya ng inaasam-asam.

Photo Credit: jerichorosalesofficial/Instagram

Mas doble pa nga ang saya ng aktor, dahil hindi lamang siya nag-iisa na manirahan sa naturang lugar, dahil kapiling nga niya sa paninirahan doon ang babaeng kanyang pinakamamahal at ito nga ay ang misis niyang si Kim Jones.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento