Isa sa mga pinakahinahangaang aktres ngayon sa mundo ng showbiz ay ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria, na siya rin ngang bumibida ngayon sa hit series ng Kapamilya network na “The Broken Marriage Vow.”
Matatandaan na ang showbiz career ni Jodi ay nagsimula ng siya ay mapabilang noon sa teen-oriented show na ‘Tabing Ilog’, ngunit mas naging popular siya at mas nakita ng publiko ang husay at galing niya sa pag-arte ng bumida siya serye noon na “Be Careful With My Heart” na umere noong taong 2012 kung saan ay kanya ngang nakapareha ang aktor na si Richard Yap o mas nakilala nga bilang si Sir Chief.
Dito na nga nagsimulang umugong pa lalo ang pangalan ni Jodi Sta. Maria, hanggang sa nagsunod-sunod na nga ang malalaing proyekto na ibinibigay sa kanya. Hindi naman nga kataka-taka na maging matagumpay bilang isang aktres si Jodi, dahil maliban sa nga sa kanyang angking kagandahan, ay tunay rin na napakahusay niya bilang isang aktres kung saan ay bawat karakter nga na ibinibigay sa kanyaay talagang nabibigyan niya ng buhay at tila nga nagiging makakatohanan ang lahat sa kanyang ginagawang pag-arte.
Samantala, kamakailan nga lamang ay nagbalik tanaw ang mahusay na aktres na si Jodi Sta. Maria sa panahon na siya ay nagsisimula pa lamang sa kanyang karera sa pag-aartista.
Hindi ikinahiya, bagkus ay proud pa ngang ibinahagi ng Kapamilya actress na noong siya ay baguhan pa lamang at nagsisimula pa lamang sa kanyang showbiz career ay halagang Php1500 lamang ang kanyang talent fee.
Ibinahagi ni Jodi sa isang vlog episode kamakailan lamang ang kanyang humble beginning, kung saan ay ikinuwento rin nga niya ang ilang detalye ng kanyang kabataan. Ayon nga kay Jodi, noong kanyang kabataan ay talagang mahiyain siya ngunit sa kabila ng pagiging isa niyang mahiyaing estudyante ay nagagawa pa rin nga niyang magtanghal sa entablado sa harap ng maraming tao.
Tulad din ng ibang mga sumubok na mag-artista, ay may pagkakataon din na naranasan ni Jodi ang hindi palarin, ngunit magkaganoon man ay hndi nga ito naging hadlang kay Jodi upang maabot ang kanyang pangarap. Patuloy nga siyang sumubok, hanggang sa dumating sa kanya ang tamang pagkakataon kung saan ay mas lalo nga siyang nagsumikap at pinatunayan pa sa lahat ang kanyang talento at kakayahan.
“And then tumawag na naman siya, sabi niya may pa-audition ang ABS-CBN looking for people to audition for the new batch of Star Circle 7. I’m like, sige try ko”, ani Jodi.
Sa pagkakataon nga na ito hindi inakala ni Jodi na mapipili siya at mapapabilang sa Star Circle 7, at sa pagsisimula nga niya ng kanyang career ay dito na siya nakatanggap ng una niyang talent fee na Php1500.
Ngayon nga ay tunay na malayo na ang narating ng karera ni Jodi, dahil isa na nga siya sa itinuturing na pinakamalaking bituin sa industriya ng showbiz.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento