Lahat nga naman tayo ay mayroong pangarap na nais nating matupad sa ating buhay, kaya naman marami sa atin ang nagsusumikap na bigyan ito ng katuparan kahit gaano pa man kahirap ang ating pagdaanan. Tunay naman kasi na kapag ang iyong pangarap ay pinagsumikapan mo ay posible na ito ay iyong makamit anomang dagok o hirap ang dumaan basta’t magtiyaga ka lang at maging pursigido.
Inspirasyon ang hatid ng isang dalaga ngayon sa marami, dahil sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan para makamit ang pangarap niyang diploma at propesyon ngayon nga ay matagumpay niya na itong natupad.
Kinilala ang dalaga na si Joanna Griňo na mula sa Sorsogon City. Siya ay laki sa hirap at danas ang pagiging hikahos sa buhay, ngunit sa kabila nga nito ay hindi ito naging hadlang sa kanya na tuparin ang pangarap niya niya sa kanyang buhay.
Dahil sa kahirapan ay tila nga imposible na mabigyan ni Joanna ng katuparan ang pangarap niyang maging isang pharmacist, ngunit dahil sa talagang gusto niya na may marating sa buhay ay gumawa siya ng paraan upang makapagpatuloy sa pag-aaral at makuha ang kursong magdadala sa kanya sa pangarap niya.
Lumuwas patungong Maynila si Joanna baon ang kanyang pangarap, namasukan siya bilang kasambahay ito ay upang may maipangtustos siya sa kanyang pag-aaral. Kuwento nga niya, kinausap niya ang kanyang nakatatandang kapatid na kung maari siyang magtungo sa Maynila kung saan ito naroroon, dahil sa nakikita nga niya na kung mananatili siya sa kanilang probinsya sa Bicol ay wala siyang mararating.
“Sabi ko kala ate, ate pwede ba akong pumunta diyan sa Manila, kahit ano lang ‘yung trabaho? Kasi alamko po na wala akong future doon kundi ano lang, siguro baka nag-asawa na ako kung nandoon lang ako sa Bicol”, paglalahad ni Joanna.
Pinagsabay nga umano ng dalaga ang pagiging kasambahay at kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Ang pagkain nga niya at tirahan ay sagot ng kanyang amo, samantala ang ibang mga gastusin niya sa pag-aaral tulad na nga lamang ng matricula ay sinusuportahan ng nakatatanda niyang kapatid.
Dahil nga sa naging pagsusumikap ni Joanna at sa tulong na rin ng kanyang ate at amo, hindi nga nagtagal ay matagumpay na nakapagtapos ang dalaga sa kolehiyo. Maliban pa sa natamong diploma sa kanyang pagtatapos, ipinagmamalaki rin ni Joanna na ngayon ay isa na siyang lisensyadong Pharmacist.
Ayon naman sa ulat, naging idolo ni Joanna sa pagiging matiyaga at determinado na matupad ang kanyang pangarap ang kanyang nakatatandang kapatid na si Mary Jane. Dahil maging ito nga ng lumuwas sa Maynila ay nagkaroon nga din ng magandang oportunidad kung saan siya ay naging working student din at nakakuha nga ng full scholar sa Adamson University.
Ang kuwento nga na ito ng magkapatid ay naghatid ng inspirasyon sa marami, at nagpatunay nga na ang pagsusumikap ang siyang magdadala sa atin sa ating pangarap at sa tugatog ng ating tagumpay. Kaya naman kung isa ka sa mga patuloy pa rin na nangangarap ngayon, ay ipagpatuloy mol ang at pagtrabahuan ang iyong pangarap, dahil balang araw lahat ng itong pagsusu
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento