Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Host Na Si Camille Prats Agaw-Pansin Pa Rin Ang Kagandahan Sa Edad Na 37

Marami sa mga kababaihan ngayon ang talaga namang nagiging conscious sa kanilang kalusugan at pangangatawan pagtuntong nila sa edad na 30’s. At isa na nga sa mga ito ay ang aktres at “Mar’s Pa More” host na si Camille Prats. Sa panahon kasi ngayon ay talaga namang tila mas kinakailangan natin ang bigyan ng atensyon ang ating kalusugan.




Nito nga lamang nakaraan ay pina-wow ni Camille Prats ang mga netizens ng kanyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang sexy-body niya, kung saan ito nga ay resulta ng kanyang naging weightloss journey.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Sa Instagram ni Camille noon lamang ika-26 ng Hunyo, ay makikita ang naging pagbabahagi ng celebrity mom-host ng kanyang larawan kung saan siya’y nakasuot ng blue two-piece swimsuit habang nagse-selfie.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

“Oh hello 37. Paisa lang”Ps. right lighting is everything” saad na caption ni Camille sa larawan.Batid ng publiko na si Camille ay mayroon ng apat na mga anak, at tunay na nakakabilib na sa kabila ng kanyang pagiging isang mommy ay nagagawa pa rin niyang pamanghain ang mga netizens dahil sa kanyang kamangha-manghang ganda ng pangangatawan, kung saan ay kakikitaan pa nga siya ng abs.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

Samantala, bumuhos naman ang maraming komento ng paghanga sa post na ito ni Camille, kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa mga tagahanga niya at kasamahan sa showbiz.

Photo Credit: camilleprats/Instagram

“Yeeeees maaaars!!!” komento ni @iyavillania.“Huy mare! Kalma tayo ha!” saad naman ni @rochellepangilinan.Ilan pa nga sa mga celebrity na nagbigay komento sa IG post na ito ni Camille ay sina Angelica Panganiban at Beauty Gonzales.

Matatandaan na taong 2020 ng simulan ng 37-taong gulang na aktres na si Camille Prats ang kanyang weigh loss journey, at kasabay nga niya sa journey niyang ito ang mister niyang si VJ Yambao. Kitang-kita naman sa pangangatawan ngayon nilang mag-asawa ang napakagandang resulta ng ginawa nilang weight loss journey.

Si Camille Prats ay isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng showbiz na nagsimula sa kanyang showbiz career sa murang edad. Matatandaan na noong taong 1995 ay bumida siya sa pelikulang “Sarah… Ang Munting Prinsesa”’.




Ilan pa sa mga hindi malilimutang pelikula na kinabilangan niya ay ang Madrasta (1996) at Ang TV Movie: The Adarna Adventure (1996). Isinilang noong ika-20 ng Hunyo taong 1985 si Camille Prats. Siya naman ay ikinasal sa mister niyang si VJ Yambao noong ika-7 ng Enero taong 2017.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento