Lahat ba ay nakapagbakasyon na? Marahil ay marami sa atin ang sinulit na naman ang nagdaang bakasyon. Ang iba ay nagtungo sa mga magagandang lugar, siyempre kasama ang pamilya upang mas masaya.
Ang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila ay isa lamang sa mga hindi nagpahuli na makasama ang kanyang pamilya sa isang masaya at nakakarelaks na bakasyon, kung saan nito nga lamang nakaraan ay kanyang ipinasilip ang naging napakasaya at hindi malilimutang Arctic Adventure niya at ng kanyang pamilya.
Noong ika-24 ng Hunyo ng dumating sa Longyearbyen sa Norway si Karen, para mag-travel patungong Svalbard. At ito nga ay ibinahagi ng broadcaster sa kanyang social media page.
“From the air, about to land in Longyearbyen. Off to Svalbard, a frozen dessert made up of mountains and glaciers of which 60% of the land is covered in ICE,” saad ni Karen.
Ibinahagi rin nga ni Karen sa isa pa niyang Instagram ang naging pagsakay niya sa isang crusie ship, kung saan mayroon siyang nakasalamuhang mga Pinoy na mga crew nga naturang cruise ship na kanyang sinasakyan.
“THE ARCTIC. Hanggang dulo ng mundo… maraming PILIPINO I was so happy to know that almost 60% of the crew in this Silversea Cloud Expedition to Svalbard are PINOYS! Grabe ang warm welcome ng mga kapamilya natin!!! Ganoon kagaling tayong mga Pinoy!”, caption ni Karen sa kanyang IG post.
Masaya ring ikinuwento ng TV news anchor ang mga nakamamangha niyang karanasan sa arctic adventure niyang ito. Ayon nga sa kanya ay dito umano niya naranasan na araw man o gabi ay nasisilayan pa rin nga niya si haring araw, na tinawag nga niyang ‘Midnight Sun.’
“Yesterday, the weather was 3 degrees celsius with winds at 40 knots! We had to take a zodiac to get to the expedition ship. Basang basa lahat kami and I wasn’t wearing waterproof clothes just yet!! What an adventure!”
“Experiencing the ‘Midnight Sun’ – summer in the Arctic when the sun does not set. Day or night – the sun is out. Amazing. Quietly cruising the Svalbard Islands to our first stop – Smeerenburg, popularly known as Blubbertown, an old whaling station in the 15th century,”
Sa pagbabahagi nga na ito ni Karen ng kanyang napaka-unique at napakasayang arctic adventure, ay marami nga sa kanyang mga kaibigan ang talaga namang nagbigay ng mga komento na nagnanais nga din na maranasan nila ang ganitong experience.
“Loving your updates! You look so happy! Dreaming of a trip to the Arctic too!” ang naging komento ni Maricel Laxa Instagram page ni Karen. “My dream!!! stay safe!” ang komento naman ni Cristalle Belo.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento