Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Nag-Iisang Anak na Babae ni Dawn Zulueta na Si Ayisha Lagdameo Isa Ng Dalaga Matapos Ang Kanyang 13 Taong Gulang Kaarawan

Ang nag-iisang anak na babae ng beteranang aktres na si Dawn Zulueta na si Ayisha Lagdameo ay ganap ng isang teenager ngayon, ito ay matapos ngang magdiwang ng ika-13 taong gulang na kaarawan ni Ayisha nito kamakailan lamang.




Noon nga lamang araw ng Miyerkules, ika-22 ng buwan ng Hunyo ay ipinagdiwang ng only daughter ni Dawn Zulueta na sa Ayisha ang kanyang ika-13th birthday. Sa edad nga na ito ni Ayisha ay masasabi nga natin na panibagong yugto na naman ito ng kanyang buhay, at ang buhay nga ng isang teenager naman ang kanyang tatahakin.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Samantala, bilang pag-alala ang sa kaarawan ng kanyang unica hija, ay nagbahagi si Dawn sa kanyang Instagram account ng isang video compilation ng kanilang pamilya at karamihan nga sa mga ito ay mga larawan din ng kanyang anak na si Ayisha.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Kalakip ng naturang post na ito ng beteranang aktres ay ang nakakaantig na mensahe niya para sa kanyang anak. Ayon nga kay Dawn, ang hiling lamang niya para sa kaarawan ng anak niyang si Ayisha ay ang lumaki itong malapit sa Diyos. Pinasalamatan din niya ang anak dahil sa napakagandang personalidad na mayroon ito, na nagbibigay kasiyahan nga sa kanilang pamilya.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

“Happy 13th Birthday, Ayisha! May God look after you as you grow and find your path. Thank you for being the kind, imaginative, funny kid that you are”, saad ni Dawn sa kanyang IG post.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Ang Instagram post din na ito ni Dawn ay nilakipan niya ng hashtags na #ILoveYouAyisha at #22June.Si Dawn Zulueta ay isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng showbiz, na hindi lamang hinahangaan sa kanyang husay at galing sa pag-arte kundi dahil na din sa kanyang taglay na kagandahan na hanggang ngayon ay talaga namang hindi pa rin kumukupas.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Kasal si Dawn sa kanyang mister na si Antonio Lagdameo, at sila ngang mag-asawa ay nagkaroon ng dalawang anak. Si Ayisha Lagdameo na ngayon nga ay 13-taong gulang na, ay ang kanilang bunsong anak at nag-iisang anak na babae, samantala ang 16-taong gulang ng si Jacobo Lagdameo naman ang kanilang panganay na anak at nag-iisa ring anak na lalaki.




Makikita naman ngayon sa edad ni Ayisha na tila mas lalo pa ngang lumilitaw ang angkin nitong kagandahan na wala namang duda na kanyang namana sa ina niyang si Dawn Zulueta. Sigurado naman na ngayong teenage na si Ayisha ay mas lalo pa ngang magbo-bloom ang taglay na kagandahan ng dalaga.

Sa kasalukyan nga ay nasa bansang UK si Dawn kasama ang kanyang asawa at mga anak, at makikita nga sa ibinabahaging larawan ng beteranang aktres ang mga magagandang lugar na kanilang pinasyalan sa nasabing bansa.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento