Sa mga nagpapakasal ay ang mas madalas nga nating nakikita na sinasakyan ng mga bagong kasal ay ang kanilang ‘bridal car’. Ngunit nito lamang nakaraan sa social media, ay nagviral ang bagong mag-asawa matapos nilang ibahagi sa social media ang kakaibang sinakyan nila sa araw ng kanilang kasal, kung saan ito nga ay isang bridal kalabaw.
Kultura na ng mga Pilipino na pagkatapos ng seremonya ng kasal sa simbahan o isang magandang lugar na inayos para sa nasabing okasyon, ay sasakay sa tinatawag na bridal car ang bagong kasal papunta sa kanilang reception.
Ngunit ang kasal nga ng bagong kasal na kinilalang sina Wenefredo Mantillano at Mary Ann Amata-Mantillano ay naging kakaiban dahil karosa ang kanilang ginamit sa araw ng kanilang kasal.
Ayon sa bagong kasal, isa sa mga dahilan kung bakit ang karosa ang kanilang ginamit na sasakyan patungo sa kanilang reception ay dahil napakaputik ng daan gawa ng malakas na ulan.
Pagmamay-ari umano ng ama ni Wenefredo ang kalabaw na kanilang sinakyan, at ito nga ginagamit sa kanilang palayan. Tila nga mas naging praktikal ang bagong kasal, dahil sa maputik ngang daan ay mas mainam na ang sakyan nila ay ang karosa, imbis na isang bridal car.
Samantala, ang mga larawan nga nina Wenefredo at Mary Ann na kuha sa kanilang naging kasal habang sila ay nakasakay sa kanilang bridal kalabaw ay ibinahagi ng kaibigan nila na si Charlene. Kinabiliban naman ng maraming netizens ang naging pahayag ni Charlene sa ibinahagi niyang larawan ng bagong kasal.
“Ito ‘yong kasal na sobrang simple na nagmukhang grande sa paningin ng iba, kasi ramdam mo yung pagmamahal ng bawat isa, ‘yong tipong mapapaluha ka sa sobrang saya at ligaya. In behalf of Wenefredo Matillano Jr. at Mary Ann Amata-Matillano, taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong. Kung hindi dahil sa inyo hindi magiging successful ang araw na ito.”
Si Mary Ann umano ang childhood sweetheart at first love ni Wenefredo, kaya naman talagang labis ang kasiyahan niya ngayon na siya ay naikasal na sa babaeng kanyang pinangarap na makasama habang buhay.
Ang masaya, simple at puno na pagmamahalan na pag-iisang dibdib nina Wenefredo at mary Ann ang patunay na hindi sukatan kung anong meron at wala dahil ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa ay sapat na para maging perpekto ang araw ng kanilang kasal.
Umani ng maraming magagandang komento ang larawan dahil sa talaga naman itong nakaka inspired at nakakatuwa.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento