Ang dahilan ng labis na pagtatrabaho ng marami sa atin ay ang makapagpundar ng mga bagay na mapapakinabangan natin o ng ating pamilya, minsan ito ay kayamanan at may pagkakataon naman na ito ay mga kalupaan.
Batid ng marami sa atin, na ang pagkakaroon ng malawak na kalupaan sa probinsya ay hindi lamang nagiging kapaki-pakinabang sa pagnenegosyo, kundi ito rin nagiging kanlungan kung naghahanap tayo ng lugar kung saan makakaramdam tayo ng kapayapaan.
Si Bea Alonzo ay isa sa mga aktres na matalinong nagdesisyon sa pag-invest sa pagbili ng napakalawak na lupain sa Zambales, kung saan ito nga ay tinawag niyang “Beati Firma”. Ang lupain na ito ng aktres ay bunga ng kanyang kinikita na mula sa dugo’t pawis niya sa lahat ng mga proyekto niya mula serye, pelikula, at maging mga endorsement.
Para sa award-winning aktres, ay talaga namang naging malaking biyaya sa kanya ang napundar niyang lupain, dahil hindi lang ito naging ligtas na lugar para sa kanyang pamilya, kundi maari rin nila itong maging “source of income” dahil sa mga na-haharvest nila sa mga pananim nila.
Kamakailan nga lamang ay masayang ipinasilip ni Bea ang mga pananim nilang puno ng mangga sa Beati Firma, kung saan ay makikita na marami sa mga puno nito ay namumunga na. Ang ikinaka-proud pa ni Bea ay puro organic at walang halong kemikal ang mga tanim dito, at napakataba at busiksik sa protina kaya naman puno ng sustansya ang mga ito.
Samantala, naisipan naman ng aktres na magkaroon ng bagong proyekto para sa kanyang farm, at ito nga ay ang tinawag niya na “Mary’s Secret Garden” kung saan sa bahaging ito ng kanyang farm ang vegetable garden ng ina niyang si Mary.
Ipinakita ni Bea sa kanyang bagong vlog ang naging kasiyahan niya ng mag-harvest siya ng mga gulay na pananim ng kanyang ina sa hardin nito. Ilan nga sa mga masusutansyang gulay na pananim ng ina ng aktres ay talong, sitaw, okra at mais.
Makikita naman na enjoy na enjoy ang aktres habang pinipitas niya ang mga bungang sitaw at talong ng mga tanim ng kanyang ina. Ipinagmalaki naman niya na ang mga gulay na ito na tanim ng kanyang ina ay talagang masustansya dahil wala itong halong kemikal.
Dagdag pa niya, dahil sa naging pagtatanim ng mga gulay ng kanyang ina ay nakatipid sila sa pagbili ng gulay sa labas, at mas nasigurado pa nila na talagang organic ang gulay na kanilang maihahain sa hapag-kainan nila.
Video Credit: Bea Alonzo /YouTube
Habang namimitas naman si Bea ng mga gulay, ay bigla namang bumuhos ang ulan, kaya naman natigil ang aktres sa kanyang pag-harvest. At dahil nga hindi na nga natuloy ang pamimitas ng aktres dahil sa pag-ulan, ay ipinagpatuloy niya ang kanyang vlog sa pamamagitan ng pagpapakita ng masayang bonding nilang magpamilya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento