Halos lahat ng kababaihan ay pangarap ang maging isang ina kapag sila ay tumuntong na sa edad na handa na sila at kaya na nila ang responsibilidad na ito sa kanilang buhay. May mga pagkakataon naman na,
dala ng kapusukan ay agarang nararanasan ng isang kababaihan ang maging isang ina, at mayroon din naman na pagkakataon na ang iba ay nasa “late age” na ito nararanasan.
Halimbawa na lamang nito ay ang dating aktres na si Beth Tamayo, kung saan ngayong siya ay edad 43-taong gulang na ay ngayon pa lamang niya mararanasan ang maging isang ina. Noong ika-29 ng Agosto taon ng kasalukuyan lamang kasi,
isinilang ni Beth ang unang anak niya na isang baby girl na si Sloane Isabelle. At ayon nga sa ulat ay napaaga ng tatlong linggo ang panganganak ng dating aktres.
Si Beth Tamayo ay nakabase na ngayon sa bansang Los Angeles, California kasama ang kanyang American Husband na si Adam Hutchinson. Sila ay ikinasal noon lamang ika-3 ng Marso 2021.
“Getting m𝔞rried during the p𝔞ndemic was quite an experience. Cerem𝔬ny is now onl𝔦ne; very l𝔦mited people to inv𝔦te (even if it’s already rem𝔬te) and all of this is happening at the c𝔬mfort of our own home. We even used a toolbox as our laptop stand! So cl𝔞ssy!”
“When it is SAFE, we will definitely celebr𝔞te with our f𝔞mily and fr𝔦ends and have the best t𝔦me ever!”, ang naging caption ni Beth noong ibahagi niya sa publliko ang naging pag-iisang dibdib nila ng kanyang mister, na ginawa lamang sa pamamagitan ng isang online ceremony.
Makikita naman sa latest post ni Beth sa kanyang social media account, dalawang linggo matapos niyang magsilang, ang naging pagsasapubliko niya ng mga larawan ng kanyang napakagandang baby girl na si Sloane Isabelle Tamayo Hutchinson.
Kalakip ng mga larawan ng kanyang babz girl ay ang caption ni Beth, kung saan ay kanyang ibinahagi nga ang buong pangalan ng kanyang anak pati na rin ang petsa ng kapanganakan nito. Pinasalamatan din ng dating aktres ang lahat ng mga taong nagdasal para sa ligtas na pagsilang niya.
“I know we’re late but here she is! Sloane Isabelle Tamayo Hutchinson! Born Sunday Aug 29th and 3 weeks early!”
“Yep, she just can’t wait! Wanted to say Th𝔞nk you to our f𝔞mily and friends who have been checking on us daily and pr𝔞ying for/with us. We are so l𝔲cky to have you in our l𝔦ves!.”
Agad namang bumuhos ang maraming mensahe ng pagbati para kay Beth at sa kanyang asawa, kung saan ay nasiyahan nga ang kani-kanilang mga kaibigan at kapamilya sa pagdating ng baby girl sa buhay ng mag-asawa.
Ilan sa mga celebr𝔦ties na nagpaabot ng kanilang pagb𝔞ti ay sina Judy Ann Santos, Sharon Cuneta, Nikki Valdez, Ara Mina, Ryan Agoncillo, Sunshine Cruz, Bayani Agbayani, Ina Raymundo, Giselle Sanchez at ang pamangkin nitong si Dominic Roque.
Matatandaan na si Dominique ay bumisita sa kanyang Tiya na si Beth sa bansang Australia noon lamang buwan ng Hulyo, kung saan ay kasama pa nga ng aktor na nagtungo ang nobya niyang si Bea Alonzo at sila ay dumalo ng baby shower ng dating aktres.
Taong 2009 ng talikuran ni Beth Tamayo ang pag-aartista, sa parehong taon din niya nakilala ang kanyang asawa ngayon na si Adam. Noon lamang nakaraang taon sa tulong ng in vitro fertilization o IVF ay nagdalang-tao ang dating aktres.
Source: Famous Trends
0 comments:
Post a Comment