Si Alex Gonzaga ay isa sa mga kinagigiliwan at sikat na aktres at TV host ngayon sa industriya ng showbiz. Maliban pa dito ay isa rin siya sa mga pinakapopular na vlogger sa ating bansa.
Ang kanyang YouTube channel ay mayroon ng milyon-milyong mga subsribers, at ito ay hindi naman nakakapagtaka dahil talaga namang nakakaliw at nagbibigay ng positibong vibes sa mga netizens ang mga video vlog na kanyang ginagawa.
Mas lalo pa ngang naging matunog sa social media ang vlog ni Alex dahil marami ang kanyang nagiging guest na mga artista, vloggers at politician.
Samantala, nito nga lamang nakaraan ay muling kinagiliwan ng mga netizens si Alex, ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi sa kanyang mga nakakaaliw na vlogs, kundi sa mga cute na cute niyang throwback photo sa kanyang Instagram account.
Sa throwback photo ng aktres ay makikita ang kanyang ka-kyutang taglay noon pa man na bata pa. Siya ay nakasuot ng swimsuit habang nasa sidepool sa larawan niyang ito.
Kinagiliwan naman talaga ng mga netizens ang larawan na ito ni Alex, at mas lalo pa nga silang natuwa sa inilakip niya na captions dito.
“In my most d@ring swimsuit competition. #HanapinNiyoKilayKo”, caption ni Alex.
Talaga namang napakasaya sa pakiramdam kapag nababalikan ang panahon ng ating kabataan, at tila ganito nga ang nararamdaman ni Alex Gonzaga sa naging pagbabahagi niya ng kanyang throwback photo na kuha nung siya ay bata pa.
Maliban pa sa larawan niyang ito, ay makikita rin ang iba pang throwback photo kung saan kasama naman ni Alex ang kanyang ate Toni. Mapapansin naman sa mga larawan ng celebrity sister na kahit nung kabataan nila ay talagang malapit na sila sa isa’t isa.
Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens na kinagiliwan ang mga throwback photo ni Alex at ng kanyang Ate Toni.
“Sana all may memories pics nong kabataan ganyan. Basta ako takot ako lumusong sa tubig irigasyon nung bata kami, kaya til now I don’t know how to swim idol! Cute mo idol!”
“Grabe parang hindi ka tumatanda mam Alex noh. Sana all. Kasi flat pa rin yung katawan mo.”
“Cute ni Alex kasing cute ng mga anak ko.” “Maganda pa din kahit manipis ang kilay… Mas tumatak sa akin yung boses mo nung bata ka heheheheparang di papatalo sa kahit anong argumento hehehe”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento