Agaw-pansin ngayon sa social media ang anak na dalaga ni Marietta Subong o mas kilala ng publiko bilang ang sikat na komedyanteng si Pokwang. Si Ria Mae Subong, ay ang panganay na anak ni Pokwang, na half Japanese-Filipina, na ngayon ay hinahangaan ng marami sa social media dahil sa taglay nitong karisma at ganda.
Ang ama ni Ria Mae ay isang Hapon na nakilala ni Pokwang nu’ng panahon na wala pa siya sa industriya ng showbiz. Matatandaan kasi na bago pa man mapasok sa pag-aartista si Pokwang, ay nagtrabaho muna ito bilang isang entertainer sa bansang Japan, kung saan nga niya nakilala ang ama ng anak niyang si Ria Mae.
Makikita naman sa mga larawan ng dalagang anak ni Pokwang na si Ria Mae, ang kagandahan nga nito na halong Filipina at Japanese beauty.
Samantala, sa kasalukuyan ay kasal na si Pokwang sa kanyang asawang si Lee O’Brian, isang American actor. Biniyaan na rin silang dalawa ng isang anak na babae at ito nga ay si Malia, na malapit din kay Ria Mae bilang nakababata nga niyang kapatid.
Sa kabila naman ng hindi pagiging magkadugo nina Ria Mae at ng asawa ngayon ng kanyang ina na si Lee O’Brian ay ibinahagi naman nilang dalawa noon sa isang panayam, na malapit sila sa isa’t isa. Saad pa ni Ria Mae, ay napaka-supportive sa kanya nito, kahit hind inga sila magka-ano-ano.
Ibinahagi pa nga noon ni Ria Mae, na kapag may mga pagkakataon na hindi siya pinapayagan ng kanyang inang si Pokwang sa isang bagay na nais niyang gawin, ay tinutulungan siya ni Lee O’Brian, na kung ituring na nga rin niya ay kanyang ama.
Aniya, ipinapaliwanag nito sa kanyang ina, na may mga pagkakataon nga umanong dapat ay hayaan siya nitong maranasan ang mga bagay-bagay, lalo na nga ngayong siya ay dalaga na.
‘Kapag nagpaalam ako kay mama or may sinabi ako kay mama tapos hindi niya nagustuhan, siya yung magsasabi na parang ‘Okay, chill, it’s your dš¯”˛ughter. She’s not gonna be forever lš¯”¦ke a chš¯”¦ld”, ang paglalahad ni Ria Mae.
Dagdag pa ng dalaga, ‘So parang bini-build niya ako na at some point kailangan ko rin maging mag-isa. So yun yung naging ano niya sakin, tulong niya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento