Isa sa mga pinaka-sikat at popular na aktor sa industriya ng showbiz ay ang 38-taong gulang na aktor na si John Lloyd Cruz. Siya ay isang aktor, modelo, occasional TV host at dati ring miyembro ng ABS-CBN’s Star Magic. Isa sa mga pinagbidahan niyang pelikula kung saan siya mas nakilala at nakitaan ng potensyal na maging mahusay na aktor, ay ang ‘Tabing Ilog.’
At dahil sa ipinamalas niyang galing sa pag-arte sa nasabing pelikula, ay dito nga mas lalong nakilala ang kanyang pangalan dahil para magsunod-sunod ang mga proyekto niya.
Ilan sa mga bigating pelikula na kanyang pinagbidahan ay ang ‘It Might Be You’, ‘Maging Sino Ka Man’, ‘I Love Betty La Fea’ at ‘Immortal’. Mga nagagandahan at sikat na aktres din ang nakatambal ni John Lloyd sa mga pelikulang ito, tulad na lamang nina Kaye Abad, Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga at Sarah Geronimo.
Samantala, sa kabila nga ng matagumpay na showbiz career ni John Lloyd ay pansamantala nga niyang iniwan ang kanyang karera. Matapos naman ang halos mahigit dalawang taon na pagkawala sa telebisyon, ay nagbabalik na nga ang aktor, dahilan para maging masaya ang napakarami niyang mga tagahanga. Si John Lloyd ay nagbabalik bilang isang Kapuso actor kung saan siya unang nakilala noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya ng showbiz.
Sa pagbabalik naman ng aktor sa mundo ng telebisyon, ay marami rin ang nag-aabang sa kanyang buhay pag-ibig, ngunit tila hanggang ngayon nga ay tahimik lamang ito pagdating sa ganitong senaryo ng buhay niya.
Kahit naman nanatiling tikom ang bibig ni John Lloyd pagdating sa kanyang buhay pag-ibig, ay may mga lumalabas na ulat naman tungkol sa romantikong ugnayan niya sa kilalang canvas maker at Filipino artist na si Isabel Santos. Ang dalawa ay unang nakitang magkasama noong taong 2017 sa isang exhibit, kasunod nito ay muli silang namataan na magkasama noong buwan ng Nobymebre taong 2021. Ito ay noong panahon na isama ni John Lloyd si Isabel sa Christmas Party ng Crown Artist Management.
Nito lamang namang nakaraan,g ika-22 ng Pebrero taon ng kasalukuyan ay muling naging usap-usapan ang dalawa at ang kanilang romantikong ugnayan. Ito nga ay matapos na magbahagi ni Isabel sa kanyang social media account ng larawan, kung saan ay makikita na kasama niya si John Lloyd at ang anak nitong si Elias Modesto. Si Elias ay anak ni John Lloyd sa dati niyang karelasyon na si Ellen Adarna, isang aktres, na ngayon naman ay misis na ng aktor na si Derek Ramsay.
Makikita nga sa larawan na ibinahagi ni Isabel kung gaano sila kakumportable sa isa’t isa ni John Lloyd. Dahil nga sa mga larawan na ito ng dalawa, ay hindi maiwasan ng mga netizens ang magkaroon ng samu’t saring reaksyon tungkol sa kung ano man nga ang namamagitan sa kanila.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento