Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Bumulib Sa Kwento Ng isang Nurse Na Mas Pinili Ang Maging ISang Truck Driver Sa Ibang Bansa

Imbis na maging isang nurse sa bansang Amerika, isang Pinay mas pinili ang maging driver ng 18-wheeler truck sa ibang bansa dahil sa mas malaking sahod.
Ang Pinay na si Jonalyn Johns ay mula sa Borongan, Eastern Samar ay ngayon nga ay nagtatrabaho bilang truck driver sa bansang Amerika. Paano nga ba siya napasok sa ganitong propesyon?




Noon lamang buwan ng Marso taong 2022 ay nakapanayam ni Kara David si Jonalyn, at dito nga ay inihayag ng Pinay na noong una ay talagang ang pagtatrabaho bilang isang nurse ang kanyang plano kaya siya nagtungo sa bansang Amerika, ngunit tila nga iba ang nais ng kapalaran para sa kanya. Pagbabahagi niya, talagang gusto niya maging nurse dahil sa gandang ganda nga siya sa uniporme nito.

Image Credit via Google

“Yun po talaga yung gusto ko kasi ang ganda ng uniform ng nurse, puti. Ija-jump ko muna yung nursing before yung truck driving. Ngunit, nakita nga umano ni Jonalyn na mas malaki ang kita ng pagiging isang truck driver, dahil ito rin nga ang trabaho ng kanyang mister, kaya naman mas pinili nga niyang karirin ang pagda-drive ng 18-wheeler truck.

Image Credit via Google

“Pero nakita ko yung sahod mas malaki pala yung sa akin sabi ko, ‘Okay, trucking.’ Para kaming mag-asawa magkasama din.” Aminado naman si Jonalyn na pag sinabing truck driver ay literal na mahirap ang trabahong ito. Noong mga panahon nga umanong nagsisimula pa lamang siya ay naranasan din niya ang mapaiyak sa trabaho dahil sa sobrang hirap.

Image Credit via Google

Ngunit, tulad din ng ibang trabaho, noon ngang kanya ng nakasanayan ang trabaho niya bilang truck driver ay unti-unti na siyang nasanay hanggang sa tila naging madali na nga lang sa kanya ito.

Image Credit via Google

“Yung una mahirap siya kasi malaking truck, lalo na yung magba-backing.
“Nung nasanay na ako lalo na ngayon, kasi halos mag-four years na akong magta-truck driving, so ngayon parang ano lang siya, madali na lang.”

Ayon pa kay Jonalyn, minsan ay inaabot siya ng halos 11-oras sa paghahatid ng kanyang mga cargo. Ang kadalasan nga umano na kanyang mga cargo sa minamaneho niyang truck ay mga malalaking kahoy, bakal at tubo na ginagamit nga sa mga construction.

“kahoy na malalaki, bakal yung malaking tubo, at saka yung mostly pang-construction.”
Kuwento pa niya, maliban sa pagda-drive na kanyang ginagawa ay mano-mano rin siya sa pag-i-strap, pagkakadena at pagkakapit ng double trailer ng kanyang mga pangarga. Ang ganitong trabaho ay karaniwan na nakikita nating ginagawa ng mga kalalakihan, ngunit pinatunayan nga ni Jonalyn na kayang-kaya rin itong gawin ng isang babae tulad niya.

Saad pa niya, kasama niya sa trabahong ito ang kanyang mister na isa ngang Amerikano.
May mga pagkakataon pa nga na inaabot siya ng halos dalawang buean sa kalsada dahil sa pagde-deliver niya ng mga cargo. At upang hindi kainipan, ay ine-enjoy na lamang nga umano niya ang mga nadadaanan niyang mga magagandang tanawin.




Proud at masaya naman ibinahagi ni Jonalyn, na sila ng kanyang asawa ay nakapagpundar na ng sarili nilang bahay dahil sa pagtatrabaho nila bilang truck driver.
Sa huli ay nagbigay payo naman si Jonalyn para sa lahat ng mga taong humaharap sa pagsubok sa buhay. “’Wag mawalan ng tiwala sa sarili, kasi lahat ng tao, kahit ano pa iyan matututunan natin kung bibigyan natin ng chance.”


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento