Buwan na ng Abril kung saan ito na nga ang simula ng summer season sa ating bansa [Pilipinas]. At sa mga ganitong panahon nga ay talaga namang ramdam na natin ang napakainit at maalinsangan na panahon, kaya naman marami sa atin ang nagnanais ng magkaroon ng summer getaway, kasama ang barkada o di kaya naman ay pamilya.
Karamihan nga sa atin ngayon ay nais ng magtungo sa mga beach at pool resort, kagaya na lamang ng Boracay at Palawan na isa nga sa mga madalas na pagbakasyunan ng marami nating mga kababayan kapag ganitong summer season.
Samantala, kung may summer getaway siyempre kailangan na handa rin ang summer OOTD, kung kaya naman ilan sa atin ay talagang kaliwa’t kanan ang nagiging preparasyon para nga maging beach ready hindi lang ang kanilang kasuotan kundi maging ang kanilang katawan, ito ay upang talaga namang maging pak na pak ang awrahan.
Kaugnay nito, ngayon nga ay pinagkakaguluhan sa social media ang throwback photo ng batikang aktres na si Jackilou Blanco. Sino ba kasi ang hindi mamangha sa larawan na ito ng aktres, kung saan ay kitang-kita naman talaga ang kanyang taglay na kaseksihan at kagandahan habang nakasuot ng swimsuit at masaya ngang namamasyal sa isang beach.
Talaga namang summer ready ang awrahan ni Jackielou sa larawang ito.
Ayon sa caption na kalakip ng naturang larawan, ay 14-taong gulang pa lamang si Jackielou ng kunan ang larawan at kasama nga niya ng panahon na ito ang kanyang kapatid na si Monching at ina na si Pilita Corrales.
“Carefree at 14!…. at the end of the day I try to remember to be grateful for all the lessons I learned along the way and to cherish every moment spent with family”, saad ni Jackielou sa captions ng kanyang throwback photo.
Maliban sa larawan na ito ng aktres, ay mayroon pa ngang isang throwback photo si Jackielou na talaga namang nagpahanga pa sa mga netizens at nakaagaw sa pansin ng publiko.
Ito nga ay ang throwback photo ni Jackielou kung saan ay makikita naman ang malaking pagkakahawig niya sa kanyang Mommy na si Pilita Corrales na noon pa man ay hinahangaan na ng marami dahil sa taglay nitong talento hindi lang sa pag-arte kundi lalo na nga sa pag-awit.
Sa isang throwback photo nga na ito ni Jackielou ay makikita ang kanyang kasimplehan ngunit sa kabila nito ay taglay pa rin niya an kahanga-hangang kagandahan.
May advice naman sa kanyang younger self ang aktres na si Jackielou Blanco na ngayon nga ay mayroon ng sarili niyang pamilya.
“If I had a chance, I would tell my self to just enjoy and be open to new experience”, ani Jackielou.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento