Muli na namang nadagdagan ang edad ng aktor na si Jason Abalos, ito ay matapos niyang magdiwang ng kanyang ika-37 taong gulang na kaarawan kamakailan lamang. Sa kabila naman ng umaagat ng edad ni Jason, ay hindi pa rin naman nagbabago ang angking tikas at kagwapuhan nito, na kilig pa rin ang hatid sa marami niyang mga tagahanga.
Sa pagdiriwang ng kaarawan ng aktor, ay hindi naman nawala ang pagkakaroon ng selebrasyon para sa espesyal na araw nga ng kanyang buhay.
Ibinahagi ni Jason kamakailan lamang sa kanyang YouTube channel ang kanyang naging birthday celebration sa kanyang ika-37 taong gulang na kaarawan, maliban pa dito ay nagbigay pasilip din ang aktor sa kanilang malawak na farm at nakaka-relaks na tree house.
“Hindi kami nagkita kita nong pasko at bagong taon, kaya pinag isa na lang namin ang birthday celebration ko dito sa farm sa Pantabangan Nueva Ecija. Niregaluhan ako ni Mama ng isa niyang alaga, binigyan ako ng cake ng Artist center at nag pa ice cream ang aking Baba :)”, ang naging caption ni Jason sa kanyang vlog.
Ayon nga kay Jason, hindi niya nakasama ang kanyang pamilya noong pasko at bagong taon, kung kaya naman ang kanyang kaarawan ay pinili niyang ipagdiwang sa kanilang farm, na matatagpuan sa Pantabangan Nueva Ecija.
Dagdag na saad pa ng aktor, sa selebrasyon niya ng kanyang kaarawan sa kanilang farm, ay nakatanggap siya ng regalo mula sa kanyang ina, kung saan ay binigyan nga siya nito ng isang alaga. Nabanggit din niya ang naging pagpapa-ice cream ng kanyang Baba, at ayon pa sa kanya ang kanyang cake ay ibinigay naman ng Artist center. Ang tinatawag nga na Baba ni Jason ay ang kanyang longtime girlfriend na si Vickie Rushton.
Nagawa namang ipasilip ni Jason sa kanyang vlog na ito, ang malawak na farm nila, kung saan nga ay mayroon silang mga alagang hayop. Ipinakita rin niya ang kanilang madalas na tambayan sa kanilang farm, ito nga ay napaka-presko nilang tree house.
Makikita naman na tila nga sanay na sanay na ang magkasintahang Jason at Vickie sa buhay sa farm, kung saan ang beauty queen nga ay masisilayan pa sa video na nagpapakain ng mga alaga nila na manok.
Nilibot nga ng magkasintahan ang buong farm, upang ipakita sa mga tagasubaybay at manonood ng kanilang video ang kagandahan ng lugar. Tunay namang napakaganda ng tanawin ng farm, idagdag pa ang kagandahan ng papalubog na sikat ng araw.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento