Kung love team sa mundo ng showbiz ang pag-uusapan ay popular na nga sa publiko ang tambalang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil). Maliban sa kanila ay may panibago ngang umuusbong na loveteam ngayon na talaga namang nagbigay kilig sa maraming mga manonood, at ito nga ay ang tambalang Belle Mariano at Donny Pangilinan.
Sina Belle at Donny ay unang nagbigay kilig sa publiko ng magsama sila sa Netflix series na “He’s Into Her”. At magmula nga noon ay tinawag na ng mga melenials na “DonBelle” ang kanilang tambalan.
Samantala, ngayon nga ay nakikita ng maraming tagahanga at tagasuporta nina Donny at Belle ang pagiging malapit na nila sa isa’t isa. Hindi naman batid ng publiko na noong unang nagsama sa proyekto ang dalawa ay may pagkakataon nga na hindi sila ganoong nag-uusap, ito ay dahil sa inakala nga ni Belle na masungit ang aktor.
Pag-amin din nina Donny at Belle na noong una ay talagang may hiya factor pa sa pagitan nilang dalawa, ngunit ng malaman nga nila na halos pareho sila ng ugali na dalawa, ay dito na nga sila nag-umpisa na mas maging malapit sa isa’t isa.
“Nung una natatakot akong lumapit sa kanya kasi baka hindi ko siya makausap, ganyan. Pero sobrang opposite. Sobrang approachable niya and he is super nice”, kuwento nga ni Belle.
Dahil sa magandang chemistry ng dalawa, ay hindi maiwasan ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta na umasa na magkakaroon ng espesyal na mamagitan sa kanilang mga iniidolo. Mas lalo pa ngang umigiting ang kilig ng marami, ng makapanayam ang DonBelle t ilahad nila kung gaano na nga ba sila kalapit sa isa’t isa ngayon.
“’Everytime na nagka-cut nagki-kuwentuhan pa rin kami and we talk about each other’s life. Even the stuff’s were going through”, saad ni Donny sa isang panayam sa kanya.
Nang si Donny naman ay makapanayam ni Karen Davila ay marami nga ang talagang kinilig lalo na ng ihayag ng aktor na ngayon ay napapalapit nga siya sa dalaga ay mas nakikilala na niya ang pagkatao nito. Dagdag na saad pa nga ni Donny, masaya sila ni Belle sa kung nasaan man ang estado ng pagkakaibigan nila ngayon.
“Belle and I are in a happy place right no. We’re very grateful for our situation and blessed to be an inspiration to many people, hopefully”, sagot ni Donny ng tanungin sa kanya ang estado ng relasyon nila ni Belle.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento