Isa sa mga kinahihiligan ng marami ngayon ay ang pag gamit ng iba’t ibang social media platform. Tunay naman na iba’t iba ang nagagawa ng pag gamit ng mga social media platform, ang iba rito ay nakapagbibigay libangan sa marami sa atin.
Ngunit maliban pa dito, isa rin sa nagagawa ng social media, ay ang pagbibigay ng mabilisang access sa mga netizens na masilip ang ilang mahahalagang pangyayari o detalye sa buhay ng mga iniidolo nilang personalidad sa mundo ng showbusiness.
Halos nga naman lahat ngayon ay may kani-kanila ng mga account sa social media, kung saan maging mga sikat na personalidad nga sa showbiz ay mayroon din at dito nga nila ipinapasilip sa marami nilang mga tagahanga ang ilan sa mga detalye sa buhay nila maging ang masayang bonding nila kasama ang kanilang mga malalapit na kaibigan.
Lahat nga naman tayo ay may mga kaibigan o malapit na kaibigan, kaya naman ngayon ay kilalanin natin ang BFFg ilan sa mga personalidad sa showbiz.
Georgina Wilson, Isabelle Daza at Martine Cajuco-Ho
Si Martine Cajuco-Ho ay pinsan ng aktres na si Isabel Daza at Georgina Wilson. Kilala din si Martine bilang ang kasosyo sa negosyo ni georgina na “Sunnies”, isang eyewear brand, kung saan ay isa rin si Bea Soriano Dee sa mga ka-business partner nila.
Kathryn Bernardo at Arisse de Santos
Magkaibigan na ang aktres na si Kathryn Bernardo at ang beauty blogger na si Arissse de santos noong sila ay labing apat na taong gulang pa lamang. matatandaan na nag-migrate na sina Arisse sa Canada noong taong 2019, at bago pa man nga ang naging pag-alis nito,
ay isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Kathryn Bernardo para sa matalik na kaibigan, kung saan ay nilakipan pa nga niya ito ng ilang mga larawan na kuha sa naging despidad party para kay Arisse na siya mismo ang naghanda. Sa mensahe ni Kathryn ay ibinahagi nga niya kung gaano niya ma-mimiss ang matalik na kaibigan.
Gretchen Barretto at Mimi Que
Tila naman hindi mapaghiwalay sina Gretchen Barretto at Mimi Que, dahil kung nasaan si La Greta ay naroon nga rin ang kanyang kaibigang si Mimi, kaya naman talaga travel buddy nga niya ito. Ang kanilang pagkakaibigan ay mas naging famous pa dahil sa kanilang ‘wishing-granting activity’, kung saan ilang mga kapos-palad nga nating mga kababayan ang kanilang natulungan.
“We choose to be in each other’s lives for the rest of our lives @gretchenbarretto”, ang naging saad nga ni Mimi Que noon sa isa niyang post kung paano niya ilalarawan ang pagkakaibigan nila ni La Greta.
Lovie Poe, Coleen Garcia, Bela Padilla at Adrianne Concepcion
Sa mundo ng showbiz ay magkakaibigan na sina Lovie Poe, Coleen Garcia at Bela Padilla, ngunit isa pa sa mga travel buddy nila ay si Andrianne Concepcion. Si Adrianne Concepcion ay naging tulay upang magkakilala at magkabutihan ang ngayon ay mag-asawa ng sina Miss World titleholder Megan Young at aktor na si Mikael Daez.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento