Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Dra. Vicki Belo Labis Ang Kasiyahan Sa Natanggap Na Bonggang ‘Valentines Gift’ Mula Sa Mister Na Si Hayden Kho

Noong nakalipas na araw ng mga puso o Valentines Day ay bumaha nga ang maraming matatamis na social media post mula sa magkasintahan o mag-asawa.




Maging sa mga kilala nating sikat na celebrity na magkasintahan ay talaga namang marami ang nagbahagi ng mga naging kaganapan sa kanilang magkarelasyon ng araw na ‘yon, kung saan ang iba nga sa kanila ay nagkaroon ng dinner date, nakatanggap ng bouquet of flowers at chocolates mula sa kanilang mga asawa o kasintahan.

IMage Credit via Instagram

Pagdating naman sa usapin na natanggap na regalo noong Valentines Day, ay isa ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa talaga namang ang regalong natanggap mula sa kanyang asawa ay napaka-bongga, at labis nga na nagbigay kasiyahan sa kanya, sapagkat isa ito sa mga bagay na nasa kanyang ‘bucket list.’

IMage Credit via Instagram

Talaga namang maraming netizens ang napa-sana all, sapagkat isa ngang brand new car na matagal na niyang pangarap ang natanggap na Valentines gift ni Dra. Vicki mula sa kanyang asawang si Hayden Kho noong araw ng mga puso.

IMage Credit via Instagram

Hindi rin maitago ni Dra. Vicki ang kanyang labis na pagkamangha at pagkasorpresa sa hindi niya inaasahang regalo, kung saan ay kanya na lamang ngang nasambit na;
“It’s so unexpected kasi usually, ano ba, yung Valentine’s special siya. Pero of course mga flowers lang, happenings, game. Na-freak out naman ako na nagkaroon ako ng dream car ko ever. So unexpected.”

IMage Credit via Instagram

Naibahagi rin ng celebrity doctor na ang iniregalo ngang brand new car sa kanya ng mister ay ang sasakyan na noon pa man ay pangarap na niya talaga, na kahit kaya niya ngang bilhin ay hindi niya binibiili dahil sa tila nga masyado itong mahal. Ito rin umano ang isang bagay na naiiwan na lamang sa kanyang bucket list.

IMage Credit via Instagram

“Kasi kung may bucket list ka, yun na lang naiiwan sa bucket list ko. Yung aking ano, the car that I’ve been wanting for so long. Pero every time I look it, sabi ko ‘parang masyadong mahal’. Don’t buy it ra ra ra….. Tingnan mo, careful naman ako sa pera ko. Pero mas masarap yung binibigay pa sa akin, di ba?”




Hindi lamang naman si Dra. Vicki ang nasiyahan sa natanggap niyang regalo mula sa asawa, dahil maging ang mister niyang si Hayden Kho ay inihayag din ang kanyang kasiyahan dahil muli na naman nga siyang nagtagumpay na mabigyan ng sorpresa at kasiyahan ang kanyang asawa sa isang espesyal na okasyon.

Pagbabahagi pa ni Hayden, ang anak nilang si Scarlet ang nagbigay ng ideya sa kanya na ang dream car ng kanyang mommy ang best gift para rito noong ngang nakalipas Valentine’s day.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento