Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sulyapan Ang Bonggang 18th Birthday Celebration Ni Antonette Gail Ang Girlfriend Ng Vlogger Na Si Whamos Cruz

Isang bonggang selebrasyon ang inihanda ng vlogger na si Whamos Cruz para sa ika-18th birthday ng kanyang nobyang si Antonette Gail, at ito nga ay dinaluhan ng mga kaibigan at kapamilya ng magkasintahan. Hindi rin naitago ng vlogger ang kanyang labis na kasiyahan ngayon na nasa ‘legal age’ na ang kanyang nobya.




Hindi naging lihim sa publiko na noong nakaraan taon ay humarap sa isang kontrobersyal ang magkasintahan na sina Whamos Cruz at Antonette Gail. Ito nga ay matapos na umalma ang ina ng dalaga sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak sa vlogger, dahil sa noon ngang mga panahon na ‘yon ay menor de edad pa si Antonette.

Image Credit via Instagram

Inereklamo nga ng nanay ni Antonette si Whamos sa programa ni Idol Raffy Tulfo, at sa pangyayaring ito ay mayroon ngang mga hindi kanais-nais na bagay na nabunyag. Sa kabila naman ng pinagdaanang kontrobersyal nina Whamos at Antonette, ay mas lalo pa nga nilang ipinakita sa publiko na hindi sila magpapatinag sa anomang ibato sa kanilang relasyon, at mas tumibay pa nga ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Image Credit via Instagram

Samantala, ngayon nga ay tumuntong na sa legal age si Antonette, ito ay dahil kamakailan lamang ay ipinagdiwang na nga ng kasintahan ni Whamos ang kanyang ika-18 taong gulang na kaarawan.

Image Credit via Instagram

Naging espesyal naman ng 18th birthday ni Antonette, sapagkat ito ay pinaghandaan ni Whamos, kung saan isa ngang bonggang selebrasyon ang naganap na dinaluhan nga ng kanilang mga kaibigan at kakilala, kagaya na lamang ng ilang mga kilalang vloggers at social media influencer.

Image Credit via Instagram

Ilan nga sa mga dumalo na vlogger at social media influencer sa debut na ito ni Antonette Gail ay sina China roces, Tim Sawyer, DJ Lunio, Eric Tai, Kiko Matos at marami pa ngang iba.

Image Credit via Instagram

Tulad ng ibang mga bonggang debut, ay nagkaroon nga ng 18th roses si Antonette, at hindi nga napigilan ng dalaga na maging emosyonal sa labis na kasiyahan dahil sa dumalo sa kaarawan niyang ito ang kanyang ama, na siya ngang naging first dance niya sa kanyang 18th roses.

Makikita naman sa social media post ni Whamos ang kanyang naging pagbabahagi ng ‘sweet message’ niya para sa nobya, na naglalaman nga ng pagbati niya para sa kaarawan nito at kung gaano nga niya ito kamahal. Saad pa ni Whamos sa kanyang mensahe,

ngayon nga na nasa edad 18 na ang nobya ay labis ang kanyang kasiyahan, ay batid na nga ng publiko ang dahilan niya kung bakit.
Narito nga ang mensahe ng pagbati ni Whamos para sa pinakamamahal niyang nobyang si Antonette.




“unang una sa lahat kase hindi huli🤣HAPPY HAPPY BDAY SA MAHAL KO Antonette Gail🥰😘 sobrang saya ko kase 18th kana🤣alam nyo nayon kung bat masaya ako hahahahah char😅wish ko lang naman matupad mo mga pangarap mo sa buhay mo maging masaya ka sa kaarawan mo at papasayin din kita sa mismong araw ng bday mo saka after ng bday mo char🤣 at wag isipin ang mga problema kase nalutas na naten yan at nalagpasan naten at walang mamapigil saten dalawa dahil tayo ang pabebe girls🤣char lang basta tupadin at gawin natin yung mga pangako naten sa sarili naten at congrats sa mga narating mo ngayon❤🥰 maraming salamat sa pagmamahal na binigay mo din sakin at tutumbsan kopa yon🥰😘 love you mahal ko🥰😘HAPPY BDAY🎁🤗


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento