Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Dalagang Nagsimula Sa 6K Na Puhunan Mayroon Ng 15 Branches Ngayon Ng Coffee Shop

Kung ang minimum na sahod nga lang ng isang empleyado ang pagkukuhanan niya ng lahat ng mga gastusin araw-araw, ay tunay na kulang ito, lalo na kung may pamilya pang binubuhay. Sabi nga ng ilan, walang yumayaman sa pagiging isang empleyado, kaya naman marami sa ating mga kababayan ang kasabay ng pagtatrabaho ay sumusubok din ng pagnenegosyo, dagdag income ika nga.




Hindi naman biro ang pagpasok sa isang negosyo, dahil tunay na marami kang dapat isaalang-alang dito, at marami ka ding mararanasang pagsubok bago mo pa nga tamasain ang pagiging matagumpay sa larangan na ito. Minsan hindi maiiwasan na makarinig ng mga negatibong komento, lalo na pag nagsisimula pa lamang ang negosyo mo, o di kaya naman ay ang hindi maiwasan ng pagkalugi nito lalo na kung ito ay hindi pumatok sa publiko.

Image Credit via Instagram

Para naman sa mga buo ang loob sa kanilang pinasok na negosyo, kahit ilang beses pa ngang madapa, ay patuloy lamang ang kanilang pagbangon, hanggat hindi nila nakakamit ang pangarap nilang pag-unlad sa negosyo.

Image Credit via Instagram

Halimbawa na lamang nito ay ang kuwento ng tagumpay ng isang dalagang negosyante, na unang namuhunan ng P6,000 pesos sa negosyong kanyang napili, at sinong mag-aakala na ngayon ang isang maliit niyang negosyo noon ay mayroon na ngang 15-branches ngayon.

Image Credit via Instagram

Bago pa man maging isang negosyante ay isang empleyado rin ang nasabing dalaga na nakilala bilang si Ana Magalona. Siya ay tatlong taon rin na nagtrabaho bilang Credit and Finance Solution Manager sa isang software company sa Makati City. Ayon sa dalaga, ito ang dream job niya noong nag-aaral pa siya, at maganda rin naman ang pasahod sa kanya ng kumpanya.

Image Credit via Instagram

Ngunit nang humarap nga sa krisis ang ating bansa, kung saan marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho, ay hindi naiwasan ni Ana ang mapa-isip, na kung sakaling isa siya sa mawalan ng trabaho, ay ano ang kanyang magiging back-up plan.
Ito na ang naging dahilan upang magdesisyon ang dalaga na pasukin ang pagnenegosyo, kung saan ay naisip niyang magtayo ng sarili niyang coffee shop.

Image Credit via Instagram

“I thought of coffee because I love coffee. And coffee is quite easy to prepare”, ang naging kuwento ni Ana. Ayon pa sa kanya, nagsimula siyang magtinda ng coffee sa loob ng kanilang condo unit, at sa halagang P6,000 pesos ay bumili nga siya ng mga kagamitan na kinakailangan niya sa pagawa ng kape, kagaya na lamang ng coffee maker.

Image Credit via Instagram

Kagaya ng ilang mga nagsisimula ng negosyo, hindi rin naging madali ang lahat kay Ana, sapagkat naranasan din niya ang makatanggap ng mga negatibong komento. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ay ito ang ginawa niyang inspirasyon para mas pagbutihin pa ang mga produktong kanyang ibinebenta hanggang sa makamit nga niya ang hanap ng publiko dahil sa pumatok na nga ang kanyang paninda.




Ngayon nga ay mayroon ng 15-branches ang coffee shop ni Ana na tinawag niyang ‘But First, Coffee’. Patuloy din siyang nakapagbibigay trabaho sa marami nating mga kababayan dahil sa pag-unlad ng kanyang negosyong ito. May payo naman ang dalaga para sa lahat ng nagpaplano na magnegosya. “Invest in everything that you can to make your business a success”, payo ng dalaga.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento