Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Tingnan Ang Walang Kupas Na Kagandahan Ng Actress-Beauty Queen Na Si Ruffa Gutierrez Kahit Sa Edad Na 47 Taong Gulang

Ang beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez ay isa sa mga kilala at popular na celebrity actress na mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang taglay na kagandahan, kaya naman talagang patuloy pa rin siyang hinahangaan ng marami.




Hindi lamang kilala si Ruffa bilang personalidad sa showbiz na mahusay sa pag-arte, kundi batid rin ng publiko na siya ay mula sa mga angkan ng mga artista. Ang kanyang ama ay si Eddie Gutierrez, isa sa mga batikang aktor sa showbiz na hinangaan hindi lang dahil sa husay sa pag-arte kundi dahil na din sa kanyang kagwapuhan.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Ang dating aktres na si Anabelle Rama ang ina ni Ruffa, at ang nakababata nga niyang kapatid ay si Richard Gutierrez na sikat at hinahangaan din bilang isang aktor sa industriya ngayon at napapanood nga natin bilang si ‘Lito’ sa Kapamilya Primetime serye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Unang ipinamalas ni Ruffa ang kanyang husay sa pag-arte ng siya ay mapabilang sa “That’s Entertainment” at dito na nga nagsimula ang kanyang karera dahil tunay niyang napabilib ang maraming mga manonood.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Maliban pa sa pagiging isang mahusay na aktres, ay pinabilib din ni Ruffa ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta ng ipamalas niya ang kanyang angking katalinuhan at kagandahan ng siya ay sumabak sa isang prestihiyosong beauty pageant.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Noon ngang taong 1993 ay lumahok siya sa Miss World, kung saan ay nakamit niya ang titulo ng pagiging 2nd Runner Up. Kasunod nito, ay nagsimula din ang karera niya sa pagiging isang modelo.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Minsan rin ngang ikinasal si Ruffa, ito ay sa kanyang dating asawang si Yilmaz Bektas kung saan ay nagkaroon pa nga sila ng dalawang anak na babae, ito nga ay sina Lorin at Venice. Sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak at ng nasimulan nilang pamilya, ay nauwi pa rin nga sa hiwalayan ang relasyon ni Ruffa sa dating asawa.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Samantala, ngayon nga ay 47-taong gulang na si Ruffa, at kahit nga ilang taon na rin ang lumipas magmula ng kanyang kabataan, at kahit na siya ay naging isa ng ina sa kanyang dalawang anak ay hindi maitatanggi na hanggang ngayon ay talaga namang hindi pa rin kumukupas ang taglay na kagandahan at kaseksihan ng aktres.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Kitang-kita nga kay Ruffa, na kahit ilang dekada na ang dumaan mula ng kanyang kabataan ay napanatili pa rin nga niya ang kanyang kagandahan na tila nga hindi kumukupas, at lalo pa nga siyang gumaganda.

Mas lalo pa ngang pinahanga ng aktres ang marami sa kanyang walang kupas na kagandahan at taglay na kaseksihan, ng ibandera niya kamakailan lamang ang mga nagagandahan at nagseseksihan niyang larawan kung saan siya ay makikita na nakasuot ng swim wear at tila handang handa na nga sa pagpasok ng summer season.




Kaagad namang bumaha ang napakaraming komento ng paghanga sa mga larawan nga na ito ni Ruffa. Ang iba pa ngang komento ay makikita na mula sa kanyang mga kapwa celebrity mom, tulad na lamang nina Vina Morales at Melai Cantiveros.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento