Isa sa mga matatagumpay na aktres sa mundo ng showbiz si Sharon Cuneta o mas kilala ng publiko sa bansag sa kanya bilang Mega Star. Maliban sa pagiging isang kilalang personalidad sa showbiz, ay isa ring mapagmahal na ina si Sharon sa kanyang mga anak.
Ang kanyang panganay na anak ay si KC Concepcion, na ang ama ay dati niyang asawa na si Gabby Concepcion na isang aktor, samantala sa mister niya ngayon na si Kiko Pangilinan ay mayroong dalawang anak na babae si Mega Star, ito nga ay sina Frankie at Miel.
Maliban sa mga anak niyang babae, ay proud mom din si Sharon sa kanyang adopted son na si Miguel. Ayon kay Mega si Miguel ang katuparan ng matagal na niyang pangarap na magkaroon ng anak na lalaki.
Nito lamang nakaraan ay isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Mega Star sa kanyang social media account, kung saan ay kanyang inilahad kung gaano siya kasaya at ka-proud mom sa adopted son niyang si Miguel. Punong-puno rin ng pagmamahal ang mensahe na ito ni Sharon para sa anak niyang si Miguel, dahil ayon nga sa kanya ay talaga namang damang-dama niya ang pagiging isang ina rito sa loob na ng mahigit labing dalawang taon.
“Miguel Samuel Mateo, my only son, YOU are the best gift God Almighty has given to our family – to MAMA. Thank you for being the kind of son I always dreamed I could have. We have the same love language/s and your love has gotten me through some of the toughest I have had to go through in your twelve years of life. I love you with all of my heart and soul”, ang naging pahayag ni Sharon sa kanyang Instagram post.
Maliban pa dito, mababasa rin sa huling bahagi ng mensahe ni Sharon ang pagpapahayag niya kung gaano siya ka-proud bilang isang ina sa anak niyang si Miguel, at kung gaano siya nagpapasalamat na mabigyan ng pagkakataon na maging ina nito.
“I AM GRATEFUL, HONORED AND PROUD TO BE YOUR MOTHER. Thank you for being my SON”, ani pa ni Mega sa kanyang IG post.
Matatandaan na noong buwan ng Hulyo taong 2019 ng isalaysay ni Sharon sa pamamagitan ng isang vlog kung paano nga ba dumating sa buhay niya at ng kanyang pamilya ang adopted son niyang si Miguel. Ayon kay Sharon, isang araw pa lamang na isinisilang si Miguel ay nagdesisyon na nga ang ina nito na ipa-ampon ang bata sa kadahilanan na hindi na niya ito kayang buhayin at suportahan.
Kaagad naman umanong naantig ang puso ni Mega Star ng masilayan niya si Miguel, at unang kita pa lamang nga nila ng mister niyang si Kiko sa sanggol pa lamang noon na si Miguel ay agad na umano itong napamahal sa kanila, dahilan para kupkupin at ituring na nga nila itong tunay na anak.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento