Isa sa mga popular at mamahaling brand ng bags ay ang ‘Hermes Bag’, karamihan nga sa mga sikat at popular na personalidad ay mayroon nito. Ilan sa mga kilala nating personalidad sa mundo ng showbiz na nagmamay-ari ng mga bags na may ganitong brand ay sina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista. Hindi nga naman biro ang presyo ng ganitong bag, dahil talagang mamahalin ito, kaya naman ang mga may kakayanan lang sa buhay ang madalas na nakakabili nito.
Samantala, kung marami nga sa atin ang nangangarap na magkaroon ng ganitong uri ng bag. Ang isang babae naman na kinilalang si Jamie Chua, ay halos wala ng mapaglagyan sa dami ng koleksyon niya ng Hermes Bag. Tunay ngang mapapa-sana all at mapapa-wow ka sa dami ng mga bag niya na Hermes, at ayon nga sa ulat siya ang tinaguriang babae sa buong mundo na may pinakamarming koleksyon ng Hermes Bags.
Isang dating flight attendant si Jamie Chua, ngunit ngayon ay mas kilala siya bilang social media influencer at ang babae ngang may pinakamaraming pagmamay-ari na Hermes at Kelly Bags sa buong mundo. Sa dami nga ng mga bags niya ay wala na nga siyang mapaglagyan ng mga ito, at ang silid nga kung saan niya dini-display ang mga koleksyon niya ng ganitong bags ay nagmukha na ngang mini-museum.
Ayon nga sa ulat 200 pirasong iba’t ibang klase ng Hermes bags na ang koleksyon ni Jamie. At dahil nga sa dami ng mga ito, ay kinailangan niyang palakihan ang kanyang closet, upang mapagkasya niya at maiayos niya ng display lahat ng kanyang mga bags.
Batid natin na ang Hermes Bag ay nabibili lamang ng may mga kakayanan sa buhay, at si Jamie ay isa na nga doon kaya hindi na nakapagtataka na sobrang dami ng kanyang koleksyon ng ganitong uri ng bag kahit nga hindi biro ang halaga nito. Si Jamie ay kilala bilang metro’s richest entrepreneur’s t siya rin nga ang founder ng Luminous1, isa sa mga popular na Singaporean beauty brand.
Sa kanyang YouTube channel noong nakaraang taong 2016 buwan ng Hulyo ng ipasilip ni Jamie sa kanyang mga followers ang napakalawak niyang walk-in closet, kung saan ay kanya ngang ibinida ang napakarami niyang mga Hermes bags.
Nang makapanayam naman siya ng isang designer handbag enthusiast, ang PurseBop, ay naibahagi ni Jamie na halos na 15-taon na rin niyang ginagawa ang pangongoleksyon ng Hermes bags, ito nga ay dahil sa talagang gustong gusto niya ang kalidad at disenyo ng mga bags nito.
“Being the ultimate stealth wealth symbol that a Birkin or a Kelly was, everyone was suddenly lusting after it, which made it really hard for me to lay hands on one”, saad niya.
Dagdag pa niya, “Even until today, I still find that the B or the K suits my lifestyle the best.“They fit the stuff I need for a day, and it’s really easy to find my things in them!”
Ayon nga kay Jamie, ang pinaka-una niyang Hermes bag ay nagkakahalaga ng $22,775 or PHP1.1 million, at ito nga ay ang kanyang “Blue Jean [Togo Birkin 30cm] bag with white stitches. Ibinahagi din ng 44-taong gulang na beauty mogul na sa lahat ng mga koleksyon niya, ay ang Himalayan Birkin at Kelly ang pinakapaborito niya.
Video Credit YouTUbe
Si Jamie ay isa lamang din sa mga nagmamay-ari ng three styles of Himalayan line. Matatandaan na naging record-breaking ang white Himalayan Niloticus Crocodile Diamond Birkin dahil ito lang naman ay nagkakahalaga ng $379.261 o Php18.8 million.
Tunay namang nakakamangha ang mga koleksyon na Hermes Bag ni Jaime, at talagang mapapa-sana all ka hindi lang sa dami ng kanyang mamahaling bags, kundi maging sa mga koleksyon niya ng mga mamahalin ding sapatos.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento