Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Beauty Queen-Actress Rabiya Mateo At Aktor Na Si Jeric Gonzales Isinapubliko Na Ang Kanilang Relasyon

Nagbigay kilig ang beauty-queen na si Rabiya Mateo at aktor na si Jeric Gonzales sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta kamakailan lamang, ito ay matapos na aminin na nilang dalawa sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon, kung saan sila nga ay opisyal ng magkasintahan.




Matatandaan na bago pa man ang pag-amin na ito nina Rabiya at Jeric ay maraming beses na rin nga silang napag-usapan na may romantikong namamagitan sa kanila. At ngayon nga sa naging kumpirmasyon nila, ay tunay na marami ang natuwa at kinilig.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

Sa Instagram account ng parehong Kapuso artist, ay makikita nga ang pagbabahagi nila ng sweet photo nilang dalawa, kung saan ito nga ay nilakipan nila ng nakakaantig na mensahe.
“Live. Love. Laugh.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

Thank you, Eric”, ang naging saad ni Rabiya sa kanyang IG post, kung saan kalakip nito ay ilan sa mga nakakakilig na larawan nila ni Jeric ng sila nga ay masayang mag-adventure sa Bohol. Kasama na inilakip ni Rabiya sa post niya ang isang short video, kung saan naman makikita na siya ay nakasakay sa likuran ng nobyo.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

Makikita naman sa comment section ng post na ito ng beauty queen-actress ang isang matamis na tugon sa kanya ng nobyo.“Let’s be happy together. I love you”, komento nga ni Jeric sa post ni Rabiya na nagpakilig pa lalo sa maraming sumusubaybay sa kanila.

Photo Credit: rabiyamateo/Instagram

Samantala, ang Kapuso actor naman na si Jeric ay nagbahagi rin ng nakakakilig na mga larawan nila ni Rabiya na kuha naman sa mga naging bonding moments nila sa iba’t ibang mga lugar. Nilakipan niya rin ito ng napakatamis na caption para sa nobya na nagpapahayag nga ng pagmamahal niya para rito.

“To more memories with you RabiyaMateo I love you”, ayon kay Jeric.
Isa ring napaka-sweet na sagot ang ini-reply ni Rabiya sa post na ito ng kanyang nobyo, kung saan ay kanya ngang inihayag niya rin kung gaano niya kamahal ang aktor. Dagdag pa ni Rabiya, mananatili siya sa tabi ni Jeric sa hirap man o ginhawa.

“Through good and bad times, I’m gonna be there by your side. I love you, babe”, ang naging komento ni Rabiya. Sina Rabiya ay Jeric ay unang nagkasama sa isang proyekto ng sila ay bumida sa episode ng Wish Ko Lang noong buwan ng Nobyembre. At sa pagsasama nga nila na ito sa nasabing proyekto ay dito na nga nagsimula ang pagkakamabutihan na nilang dalawa.




Bago naging isang Kapuso actress ay una munang nakilala ng publiko si Rabiya Mateo bilang ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2020, at siya rin ang naging representante ng Pilipinas sa Miss Universe 2020, kung saan ay nakapasok siya Top 21 semifinalist. Matapos nga ang kanyang journey sa Miss Universe pageant, ay nagdesisyon si Rabiya na pasukin ang mundo ng showbiz at pumirma nga ng kontrata sa GMA network.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento